^

Police Metro

Biyahero na nagbigay ng pekeng detalye, kakasuhan - DOH

Danilo Garcia - Pang-masa
Biyahero na nagbigay ng pekeng detalye, kakasuhan - DOH
Commuters line up to enter a bus on October 8, 2020.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Maaaring sampahan ng kaso ang isang biyahero kapag nagbigay ng pekeng impormasyon tulad ng contact details.

Ito ang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III tulad ng mga hindi pa matukoy na biyahero mula sa South Africa na nagbigay ng mga maling impormasyon.

“Kapag nahuli sila, masita sila, ay kakasuhan natin dahil hindi naman puwede ‘yung ganong naglalagay ka ng mga impormasyon na hindi tama, hindi totoo,” ayon kay Duque, chairperson rin ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“Kagaya niyan,gusto mo mag backtracing, mahihirapan ka mag-backtra­cing dahil hindi mo alam saan mo sila hahanapin ngayon. So pinapaim­bestiga pa din natin yan at tinitignan ano ang mga lead,” dagdag niya.

Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may pananagutan ang mga biyahero sa ilalim ng Republic Act No. 11332 o Law on Reporting Communicable Disease dahil sa pagbibigay ng mga maling impormasyon.

Natukoy na kahapon ng pamahalaan ang isa sa walong biyaherong Pilipino mula sa South Africa na pinaghahanap.

Ang naturang biyaherong Pilipino ay naka-home quarantine na at hindi naman nagpapakita ng anumang sintomas ng COVID-19 at negatibo rin ang resulta ng kaniyang RT-PCR test.

Pito pang ‘returning overseas Filipinos (ROFs)’ ang pinaghahanap ngayon na dumating sa bansa mula Nobyembre 15 hanggang 29.

Ayon sa DOH, tatlo sa kanila ang nagbigay ng numero ng kanilang ahensya at hindi personal; isa ang nagbigay ng maling numero; isa ang hindi kumpletong numero; at dalawa ang hindi na makontak na numero.

“We are continuously getting in touch with our local government units and other partners to be able to contact these individuals,” ayon kay Vergeire.

vuukle comment

DOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with