^

Police Metro

NPA kumander, 4 pa napatay

Doris Franche - Pang-masa
NPA kumander, 4 pa napatay
Kinilala ang napatay na si Eddie/Arnold Rosero alyas “Ka Star”, kumander ng Larangan 1, Komite Probinsya 4 ng Bicol Regional Party Committee ng NPA-Masbate. Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng apat nitong kasama.
STAR/File

MANILA, Philippines — Napatay ang limang New People’s Army (NPA) kabilang ang isang kumander matapos na pu­malag sa warrant of arrest ng mga pulis at sundalo sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Bugtong, Mandaon, Masbate, kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang napatay  na si Eddie/Arnold Rosero alyas “Ka Star”, kumander ng Larangan 1, Komite Probinsya 4 ng Bicol Regional Party Committee ng NPA-Masbate. Habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng apat nitong kasama.

Sa ulat, alas-5:30 ng umaga bitbit ng mga otoridad ang warrant of arrests laban kay Rosero sa limang kasong murder at frustrated murder na may kaugnayan sa paglabag sa international law, genocide at paglabag sa karapatang pantao ay sinalakay ng mga kasapi ng Mandaon Police, Masbate PNP Provincial Office, PRO5 at 9th Infantry Division ng Philippine Army ang kuta ng mga rebelde na pina­ngungunahan ni Ka Star.

Gayunman, palapit pa lang ang mga pulis at sundalo ay agad na silang pinutukan ng mga rebelde dahilan para magkaroon nang palitan ng putok sa magkabilang panig na tumagal ng 30 minuto hanggang sa mapatay ang limang rebelde.

Nagsitakas ang mga natitirang rebelde matapos na malagasan sila ng limang kasamahan.

Nabawi sa engkwentro ang tatlong M16 armalite rifle, isang M14 rifle, dalawang kalibre 45 pistola, mga gamit sa pampasabog, mga subersibong dokumento, magazine at mga bala.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with