^

Police Metro

Panawagan ng Malacañang sa mga magulang ‘Wag ipasyal ang mga bata sa Dolomite Beach

Malou Escudero - Pang-masa
Panawagan ng Malacañang sa mga magulang �Wag ipasyal ang mga bata sa Dolomite Beach
Crowds gather as they wait for the famous Manila Bay sunset at the Manila Dolomite Beach during its second day being open on Sunday, Oct. 17, 2021.
The STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — “Huwag palabasin ang mga bata o isama sa mga pasyalan lalo na kung ang lugar ay dinudumog ng mga tao.”

Ito ang naging pa­nawagan ng Malacañang sa publiko lalo na sa mga magulang at guardians dahil sa lalo pang dinumog ng mga namamasyal ang Manila Baywalk Dolomite Beach kumpara sa mga naunang araw na binuksan ito.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, nasa panahon pa rin ng pandemya ang bansa kaya’t hindi pa pwede na magpasyal-pasyal ang mga bata lalo na sa mga matataong lugar.

“Well, unang-una po, ang mga bata talagang for essentials lang po na dapat lumalabas ng kanilang mga taha­nan ‘no. So hindi pa po pupuwede talagang magpasyal-pasyal ang mga bata,” ayon kay Sec. Roque.

“So unang-una, nana­nawagan po kami sa ating mga kababayan ‘no, pandemya pa po, bagama’t bumababa po ang mga kaso natin eh nandiyan pa po si COVID-19 ‘no so huwag po tayong magpabaya ‘no. Kinakaila­ngan po mask, hugas, iwas at kung kakayanin na bakuna nga po ‘no,” dagdag na pahayag nito.

Nananawagan din si Sec. Roque sa kapulisan sa Maynila na ipatupad ang social distancing.

Sa ulat, kapansin-pansin na mas dagsa ngayon ang mga namamasyal sa Dolomite Beach kaysa nang unang ilagay ang Metro Manila sa Alert Level 3 kaya hindi maiwasan na hindi sumunod ang ilan sa minimum health protocols.

Bukod sa mga ma­tatanda, may mga kasama na rin ang ilan na mga bata na pinayagan nang makabiyahe ng pamahalaan.

vuukle comment

MANILA BAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with