^

Police Metro

Duterte tiniyak ang hustisya sa pagkamatay ni Bree Jonson

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte tiniyak ang hustisya sa pagkamatay ni Bree Jonson
Pinoy artist na si Breana “Bree” Jonson
Bree Jonson on Instagram

MANILA, Philippines — Maghatid ng hustisya sa pamilya ng namayapang Pinoy artist na si Breana “Bree” Jonson.

Ito ang tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte nang ipag-utos sa mga otoridad matapos na natagpuang patay sa resort sa La Union.

“The President has ordered the criminal justice system to accord the victim justice,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

“Let the investigation go unhampered,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Sa online press briefing, kinumpirma ni Roque na alam ng Pangulo ang kaso ng pagkamatay ni Jonson at pinatitiyak din nito na mabibigyan ng hustisya ang biktima.

Matatandaan na natagpuan ang walang malay na si Jonson sa loob ng  isang hostel room sa San Juan, La Union kung saan nakasama niya si Julian Roberto Ongpin noong Setyembre 18.

Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang pagkamatay ni Johnson at inatasan si Regional Director of Police Region Office 1, Emmanuel Peralta na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pagkamatay ni Jonson upang matukoy ang dahilan ng kanyang kamatayan.

Batay sa inisyal na ulat, natagpuang wala ng buhay ang katawan ni Jonson sa Floatsam Jetson Resort sa San Juan, La Union na kung saan ay kasama nito ang kaniyang boyfriend na si Ongpin sa nasabing resort bago nangyari ang insidente.

Iniutos ng mga prosecutors na pakawalan si Ongpin na anak ni dating Trade Minister Roberto Ongpin.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nag-suicide umano si Jonson. Napaulat din na may nakitang 12.6 gramo ng cocaine sa kuwartong tinuluyan nina Jonson at Ongpin.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with