171 lugar sa Metro Manila inilagay sa granular lockdown
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na umabot na sa 171 mga lugar sa National Capital Region ang inilagay sa granular lockdown.
“Sa tala ng PNP (Philippine National Police), 171 small areas sa Metro Manila ang nasa granular lockdown,” pahayag ni Año.
Sinabi naman ni PNP spokesperson Police Brigadier General Ronaldo Olay na mayroon silang 93 mga barangay na mino-monitor na nasa ilalim ng lockdown.
Aabot naman sa 244 na mga pulis at 304 force multipliers ang nagbabantay sa mga apektadong lugar.
Matatandaang noong Setyembre 16 ay sinimulan ang pilot testing ng granular lockdown sa Metro Manila na bagong paraan umano ng pamahalaan upang sugpuin ang COVID-19.
- Latest