50% capacity sa dine-in at personal care services sa fully vaccinated, hinirit
MANILA, Philippines — Taasan sa 50% ang capacity para sa mga dine-in at personal care services para sa mga bakunado sa fourth quarter ng taong 2021.
Ito ang apela ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion dahil na rin sa realidad na hindi sapat ang kikitain ng mga establisyimento kung mananatili lamang sa 10% ang operating capacity.
Kaya umaasa si Concepcion na sa fourth quarter o bandang Oktubre, Nobyembre at Disyembre ay tataasan na sa 50% ang kapasidad para sa mga dine-in at personal care services na para lamang sa mga fully vaccinated.
Pero, sisiguruhin na lamang umano na maglagay pa ng mas maayos na bentilasyon ang mga establisyimento tulad ng restaurants para mas maiwasan ang hawaan ng COVID-19.
- Latest