^

Police Metro

Magpopositibo sa COVID-19 sa araw ng eleksyon, ‘di pabobotohin — Comelec

Ludy Bermudo - Pang-masa
Magpopositibo sa COVID-19 sa araw ng eleksyon, �di pabobotohin � Comelec
People wearing face masks and face shields register as voters in Pasig City on September 1, 2020.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Hindi papayagang makaboto sa May 22 national at local elections ang isang rehistradong botante kung magpoposi­tibo sa COVID-19 sa mismong araw ng halalan o nasa ilalim ng quarantine period, upang hindi na makapanghawa.

Ayon sa viber message sa mga mamamahayag ni Commission on Elections (Comelec) spokeperson James Jimenez na hindi kailanman naisip ng Comelec na papayagang palabasin ng quarantine facilities ang COVID-19 patients para makaboto sa 2022 elections.

Binigyang-diin ni Jimenez na sa umiiral na batas, walang alternatibong paraan sa pagboto na personal o pansariling pagboto.

“The Comelec is fully cognizant of the risks - both to the patient and the public - associated with making a COVID positive person go out to vote. This being so, the idea of requiring such persons to leave their isolation facilities was never really on the table,” ani Jimenez.

Ang pahayag ni Ji­menez ay matapos hili­ngin ni Department of Health (DOH) Undersecretary Rosario Vergerie sa Comelec na magkaroon ng iba pang pagpipilian tulad ng digital voting para sa mga tinamaan ng COVID-19 sa panahon ng  May 9, 2022 elections.

Nag-ugat naman ang naging pahayag ni Vergeire sa kamakailan lang na pahayag ni Comelec Chairman Sheriff Abas na magtatayo sila ng isolation polling places o IPPs sa aarw ng halalan kung saan maaring makaboto ang mga COVID-19 infected na malayo sa ge­neral public.

Ipinaliwanag ni Jime­nez na ang IPPs ay para sa mga indibiduwal na may sintomas ng COVID-19 sa pagdating nila sa voting center sa araw ng eleksyon upang hindi sila maitaboy nang dahil sa kanilang kondisyong pangkalusugan.

vuukle comment

COMELEC

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with