COA: Walang overpricing sa pagbili ng PPEs, face mask atbp
MANILA, Philippines — Walang naganap na overpricing sa pagbili ng Procurement Services-Department of Budget and Management-Procurement Services (PS-DBM) sa pandemic supplies tulad ng mga Personal Protective Equipments (PPEs), face mask at iba pa kabilang ang transaksyon sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability na pinamumunuan ni Diwa Partylist Rep. Michael Aglipay, sinabi ni Commission on Audit (COA) Chairman Michael Aguinaldo na hindi nila sinabing overpricing ang procurement ng PS-DBM.
“Wala po sa COA report ng PS-DBM ang statement na may overpricing po, there’s no statement to that. The observations relate more to inventory management than overpricing,” pahayag ni Aguinaldo kaugnay ng pagbili ng medical supplies ng nasabing tanggapan sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2020.
Una nang kinuwestiyon ng mga state auditors ang paglilipat ng Department of Health (DOH) ng P42 bilyong pondo sa PS-DBM para sa pagbili ng nasabing mga medical supplies.
Ang panel ni Aglipay ay nagsagawa ng kahalintulad na imbestigasyon ng Senado sa PS-DBM procurement ng mga materials para sa COVID-19 items matapos namang punahin ng COA ang DOH sa paglilipat nito ng P 42 bilyong pondo para labanan ang pandemya sa ilang mga ahensya kabilang ang PS-DBM.
“So hindi po tama na sabihing ang CoA ang nagsabi na may overpriced,kasi wala po sinabi ‘yon. Anyway, nandito po kami to be able to provide clarification to any of the questions the committee members will ask,” giit ni Aguinaldo.
- Latest