^

PM Sports

Sweep abot-kamay na ng Benilde

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi nag-aksaya ng sandali ang College of Saint Benilde nang mabilis nitong patumbahin ang University of Perpetual Help System Dalta, 25-14, 25-12, 25-18, para manatiling malinis ang rekord sa NCAA Season  97 women’s volleyball tournament kahapon sa Paco Arena sa Maynila.

Ayaw paawat ni Jade Gentapa nang muli ito maglatag ng solidong laro tangan ang 15 points galing sa 13 attacks at dalawang blocks habang nakatuwang nito sina team captain Mycah Go at Michelle Gamit sa panalo ng Lady Blazers.

Naikonekta ng Benilde ang ikawalong sunod na panalo para masikwat ang twice-to-beat advantage sa Final Four.

“Yung mindset and positive thinking yun siguro ang nagdala sa amin. Paulit-ulit na sinasabi ni coach na kung ano yung tinitraining namin sa court, ilabas lang namin sa game,” ani Gentapa.

Kung mawawalis ng Lady Blazers ang lahat ng siyam na laro nito sa eliminasyon, awtomatiko itong papasok sa finals.

Subalit daraan muna sa matinding pagsubok ang Benilde dahil makakaharap nito ang defending champion Arellano University na kanilang haharapin sa Sabado sa parehong venue.

Tuluyan nang nasibak sa kontensiyon ang Lady Altas na nahulog sa 2-6 marka.

Dominado ng Lady Blazers ang buong panahon ng laro matapos magpaka­wala ng 38 attacks laban sa 22 lamang ng Lady Altas.

Sa unang laro, ginulan­tang ng Colegio de San Juan de Letran ang Mapua University, 25-17, 25-21, 25-18, para mapaganda pa ang rekord nito sa 2-6.

Naglista si Juls Castro ng 19 points, 16 excellent digs at apat na excellent receptions para pamunuan ang Lady Knights sa panalo.

vuukle comment

SAINT BENILDE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with