^

PM Sports

Tropang Giga naghari sa PBA 3x3 Third Conference Grand Finals

Russell Cadayona - Pang-masa
Tropang Giga naghari sa PBA 3x3 Third Conference Grand Finals
Nagbunyi ang koponan ng TNT Tropang Giga nang tanghaling kampeon sa PBA 3x3 Third Conference Grand Finals.
PBA Image

MANILA, Philippines — Itinakas ng TNT Tropang Giga ang 21-19 overtime win laban sa Purefoods TJ Titans sa PBA 3x3 Third Conference Grand Finals kahapon sa Robinsons Place Manila sa Ermita.

Isang stepback two-point shot ang ipinasok ni Gryann Mendoza para ipanalo ang Tropang Giga na nauna nang naghari sa first, third at fourth legs ng torneo.

Inangkin nina Mendoza, Almond Vosotros, Samboy de Leon at Lervin Flores ng TNT ang premyong P750,000 habang nakuntento sina Joseph Eriobu, Jed Mendoza, Jun Bonsubre at Marvin Hayes ng Purefoods sa P250,000 bilang runner-up.

Nakabawi ang Tropang Giga sa 13-18 pagkakabaon sa huling 1:47 minuto matapos makatabla sa 19-19 ga-ling sa dalawang free throws ni De Leon sa natitirang 32.9 segundo.

Parehong hindi naipasok ng dalawang koponan ang kanilang mga two-point attempts papasok sa extra period.

Sinikwat naman ng Sista Super Sealers ang third place trophy at premyong P100,000 mula sa 21-20 paglusot sa San Miguel.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with