^

PM Sports

Mavericks sinibak, 4-1 Warriors nauna na sa NBA finals

Pang-masa
Mavericks sinibak, 4-1 Warriors nauna na sa NBA finals
Nagdiwang ang koponan ng Golden State Warriors matapos sibakin ang Dallas Mavericks sa Game 5 at umabante sa NBA Finals.

SAN FRANCISCO — Sa unang pagkakataon mula nang matalo sa Toronto Raptors noong 2019, magbabalik ang Golden State Warriors sa NBA Finals.

Ito’y matapos dispatsahin ang Dallas Mavericks, 120-110 sa Game 5 ng Wes­tern Conference Finals sa likod ng pagbibida ni Klay Thompson na gumawa ng career-hig na 32 puntos.

Taliwas sa nakaraang kabiguan ng Warriors sa Game 4 kung saan naghabol sila ng 29 puntos, kontrolado ng Golden State ang buong tempo ng laro.

Inilabas ni Thompson ang kanyang bangis para pamunuan ang Warriors sa scoring nang pumukol ito ng 12-for-25 mula sa floor, mayroon din siyang kinamadang 8 tres mula sa 16 tangka.

Nakatakdang sagupain ng Warriors, may pag­ka­kataon masikwat ang ika-apat na Larry O’­Brien trophy sa loob ng walong taon, ang mana­nalo sa Boston Celtics at Miami  Heat sa Eastern Con­fe­ren­ce series nila.

Hawak ng Celtics ang 3-2 bentahe sa kanilang serye ng Heat at kung ma­nanalo ngayon maitatakda na ang kanilang banggaan ng Warriors para sa NBA crown.

Tumapos si Stephen Curry, hinirang na Wes­tern Conference Finals MVP ng 15 puntos at siyam na assists.

Tangan ng Warriors ang home-court advantage sa pagho-host nila ng Game 1 at 2 sa pagsisimula ng NBA Finals sa Hunyo 2.

Umiskor si Andrew Wiggins ng 18 puntos bukod pa ang 10 rebounds para sa Warriors habang nagdagdag si Draymond Green ng 17 puntos at siyam na assists.

Hindi pa nakarating sa NBA Finals ang Mavs mula nang masungkit ang korona noong 2011.

Tumapos si  Slovenian guard Luka Doncic ng 28 puntos, siyam na rebounds at anim na assists para sa Mavericks.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with