^

PM Sports

Suns ibinagsak ang Mavericks

Pang-masa
Suns ibinagsak ang Mavericks

DALLAS — Kumamada si Devin Booker ng 28 points para tulungan ang NBA-leading Phoenix Suns sa 109-101 paggupo sa Dallas Mavericks at ilista ang kanilang pang-limang sunod na panalo.

Muling pinatumba ng Suns (35-9) ang Mavericks (26-20) sa pang-siyam na sunod nilang pagtutuos para ma-sweep ang kanilang season-high, five-game road trip.

Pinamunuan ni Booker ang hinataw na 35 points ng Phoenix sa kabuuan ng fourth quarter para tapusin ang apat na sunod na arangkada ng Dallas.

Nagdagdag si Chris Paul ng 20 points at 11 assists para sa Suns na kinuha ang 107-99 abante sa huling 19 segundo ng final canto matapos makadikit ang Mavericks sa 99-101 agwat sa 2:56 minuto nito.

Tumapos si Luka Doncic na may 28 points, 8 rebounds at 8 assists para sa Dallas at may 19 at 18 markers sina Jalen Brunson at Kristaps Porzingis, ayon sa pagkakasunod.

Sa San Francisco, nagtala si rookie Chris Duarte ng 27 points, 7 rebounds at 3 assists para tulungan ang Indiana Pacers (17-29) na maitakas ang 121-117 overtime win laban sa Golden State Warriors (32-13).

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Pacers para okupahan ang No. 13 seat sa Eastern Conference.

Naghulog si Stephen Curry ng 39 points para banderahan ang Warriors na nanatili sa No. 2 spot sa NBA at Western Conference.

Sa New York, humakot si Jonas Valanciunas ng 18 points at 10 rebounds para akayin ang New Orleans Pelicans (17-28) sa 102-91 paggiba sa Knicks (22-24).

Nag-ambag si Josh Hart ng 17 points at may tig-15 markers sina Brandon Ingram at Devonte Graham  sa pagpapalasap ng New Orleans ng ikatlong sunod na kamalasan sa New York. Umiskor sina RJ Barrett at Mitchell Robinson ng tig-17 points sa panig ng Knicks.

vuukle comment

PHOENIX SUNS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with