^

PM Sports

PBA kailangan nang magdesisyon

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magdedesisyon ang PBA Board kung itutuloy o hindi ang nahintong 2021-2022 Governors Cup sa kanilang krusyal na pagpupulong sa susunod na linggo.

Ito ay matapos iendorso ni Games and Amusements Board (GAB) chairman Abraham ‘Baham’ Mitra sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpapatuloy ng PBA ng Governor’s Cup sa isang home-venue-home set-up.

“Kung pinayagan na tayo ng GAB, may go signal na rin tayo sa ibang Mayors, kay (Pasig City) Mayor Vico (Sotto) na pinapayagan na rin tayo,” sabi kahapon ni PBA Commissioner Willie Marcial sa online session ng Philippine Sportswriters Association (PSA).

Noong Enero 6 ay inihayag ng liga ang pansa-mantalang pagpapaliban sa mga laro dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa dahil sa Omicron variant.

“Kailangang pag-usapan namin kung papaano nga ang safety at iyong protection ng lahat. Kasi puwede na kaming magsimula kung tama ako sa sinabi ni chairman Mitra, pero alam ko may hinihintay pa rin sila from IATF,” wika ni Marcial.

Ang nasabing board meeting sa susunod na linggo ay ipinatawag ni PBA chairman Ricky Vargas ng TNT Tropang Giga.

“Madedesisyunan na iyan next week. Nagpatawag na ng board meeting si Chairman (Vargas),” ani Marcial. “By next week malalaman na kung itutuloy o hindi, ano ba ang balak, hihintayin ba nating bumaba (ang COVID-19 cases).”

Huling naglaro ang PBA noong Disyembre 26 na may limitadong live audience sa Smart Araneta Coliseum.

Ang nasabing home-venue-home set-up ay ginamit ng liga sa pagdaraos ng 2021 Philippine Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.  Ngunit nang lumobo ang mga kaso ng COVID-19 sa NCR ay napuwersa ang PBA na ilipat ang komperensya sa semi-bubble sa Bacolor, Pampanga.

Binigyan na ni Sotto ng green light ang PBA na ipagpatuloy ang natenggang Governors Cup sa Pasig City venue. “Pero iyon nga ang sinasabi ko, kapag lumabas ba tayo (ng NCR), nag-bubble tayo sa labas sigurado ba tayong hindi rin tatamaan? Iyon pa ang isang pinanga-ngambahan namin,” ani Marcial. “Pero sigurado, pag-uusapan iyan (sa Board meeting).” 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with