Sista tangka ang ika-2 leg title
MANILA, Philippines — Pipilitin ng Sista Super Sealers na magawa ang hindi naisakatuparan ng TNT Tropang Giga at Meralco sa 2021 PBA 3x3 Lakas ng Tatlo tournament.
Pupuntiryahin ng third leg champions Super Sealers ang kanilang ikalawang sunod na leg crown sa pagsabak sa fourth leg ng torneo ngayong araw sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Sisimulan nina Leo De Vera, Kenneth Mocon, Prince Rivero at RJ Argamino ng Sista ang kanilang kampanya sa pagharap sa Cavitex Braves ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang laro ng Zamboanga Valientes at Limitless Appmasters sa alas-2:25.
Magtatagpo naman ang San Miguel at Pioneer Pro Tibay sa alas-2:50 ng hapon sa ikatlong laro ng 16-day schedule sa Day One.
Premyong P100,000 ang makukuha ng champion team.
- Latest