^

PM Sports

GAB aalalay sa pagbubukas ng mga sports events

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaasa ang Games and Amusements Board (GAB) na isa-isa nang makapagsisimula ang iba’t ibang liga lalo pa’t bumababa na ang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Inihayag ni GAB chairman Baham Mitra na handa ang asosasyon na umalalay sa mga sporting events para masimulan ang kani-kanilang liga.

“Hoping and praying that all sports will resume without any untoward incident. GAB is always here to provide assistance,” ani Mitra.

Maliban sa basketball at volleyball, ilang torneo na rin ang nakatakdang magsimula kabilang na ang mga boxing events, golf, chess at Esports.

Dismayado si Mitra na pinayagan ng Regional IATF at ng Subic Bay Metropolitan Authority (SMBA) ang Filipino Basketball League (Filbasket) na magsisimula sa susunod na linggo na bumalewala sa  Joint Administrative Order (JAO), may basbas ng IATF na siyang ginagamit ng GAB at ng Philippine Sports Commission (PSC) para payagan ang mga nais makapapagsimula ng torneo.

“Kami sa GAB ay sumusunod lamang sa itinatadhana ng JAO.  Marami ang nagtatampo sa amin pero wala kaming magawa,” ani Mitra.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with