^

PM Sports

Biado handang pumasok sa bubble training

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Handa si 2021 US Open 9-Ball champion Carlo Biado na pumasok sa bubble training bilang preparasyon para sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa 2022.

Ayon kay Biado, isang two-time gold medalist sa SEA Games, ang Billiards Sports Confederation of the Philippines (BSCP) pa rin ang magdedesisyon kung sino ang mga isasabak sa Vietnam SEA Games..

“Kung ano iyong magiging desisyon ng team namin, kung sino ang ipapadala, okay naman ako doon,” sabi ng 37-anyos na tubong La Union.

Sinargo ni Biado ang gold medal sa doubles at singles event ng 2015 at 2017 SEA Games, ayon sa pagkakasunod, at naghari rin siya sa World Games noong 2017 sa Wroc?aw, Poland.

Binigyan ng SEAG Federation ang Vietnam ng hanggang Oktubre para magdesisyon kung itutuloy o tuluyan nang kakanselahin ang SEA Games na orihinal na itinakda sa Nobyembre ng taong ito.

Apektado ng coronavirus disease (CO-VID-19) pandemic ang pagdaraos ng Vietnam sa biennial event na pinagharian ng Pilipinas noong 2019.

Noong 2019 edition ay humugot ang Pinas ng 4 gold, 3 silver at 5 bronze medals sa billiards and snooker event bilang bahagi ng overall championship.

Bukod sa Vietnam SEA Games ay sasabak din si Biado, nagkampeon sa nakaraang US Open 9-Ball sa Atlantic City, USA, sa 2022 Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa Marso 10-20 sa Thailand at sa World Games sa Hul-yo 15-17 sa Birmingham, Alabama.

“Itong mga ginagawa ko ngayon, sa mga sinalihan kong mga event at itong pagkapanalo ko (sa US Open 9-Ball), mala-king tulong ito,” ani Biado. “Nabigyan ako ng kumpiyansa para sa darating na SEA Games at tsaka iyong sa AIMAG.”

vuukle comment

CARLO BIADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with