^

PM Sports

Pacquiao tuluyan nang iiwan ang boxing

Chris Co - Pang-masa
Pacquiao tuluyan nang iiwan ang boxing
Manny Pacquiao.

MANILA, Philippines — Tuluyan nang li-lisanin ni Manny Pacquiao ang boxing world upang matutukan ang kanyang political career.

Sa panayam ni Toni Gonzaga sa kanyang vlog, inamin ni Pacquiao na tinuldukan na nito ang kanyang boxing career na umabot din ng mahigt dalawang dekada.

Kamakailan lamang ay nagdeklara na si Pacquiao para tumakbo sa Presidential Election kaya’t inaasahang mas magiging abala na ito para sa pangangampanya.

“Boxing career ko, tapos na,” ani Pacquiao.

Isa sa mga naging kunsiderasyon ni Pacquiao ang kanyang pamilya na nagsabing itigil na ang boksing dahil marami naman na itong naibigay na karangalan sa bansa sa loob ng mahigit dalawang dekadang pagboboksing.

“Matagal na rin ako sa pagbo-boxing. ‘Yung pamilya ko, lagi sinasabi na tama na. Nagtuloy-tuloy lang ako kasi passionate ako sa sport na ito,” ani Pacquiao.

Nangako si Pacquiao na hindi pa rin ito mawawala sa boxing dahil handa itong tulungan ang mga baguhang boksingero upang muling makahubog ng isang world champion gaya niya. “Magsu-support na lang ako ng boksingero para magkaroon tayo ng champion ulit,” ani Pacquiao.

Magagawa ito ni Pacquiao sa pamamagitan ng kanyang MP Promotions na siyang humahawak sa ilang baguhang boksingero gaya ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial.

Huling nasilayan sa aksiyon si Pacquiao noong Agosto 21 sa Las Vegas, Nevada kung saan lumasap ito ng unanimous decision loss kay World Boxing Association (WBA) welterweight champion Yordenis Ugas.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with