^

PM Sports

Hotshots pumuwesto

Russell Cadayona - Pang-masa
Hotshots pumuwesto

MANILA, Philippines — Inilapit ng Magnolia ang kanilang sarili sa No. 2 berth  para sa huling twice-to-beat slot sa quarterfinals matapos basagin ang San Miguel, 100-90, sa 2021 PBA Philippine Cup kahapon sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.

Umiskor si Paul Lee ng 18 sa kanyang 32 points sa fourth quarter para sa 8-3 kartada ng Hotshots, habang bumaba ang marka ng Beermen sa 6-4 at wala nang pag-asa sa No 2.

“Sobrang okay iyong ginawa namin. Iyong gameplan namin nasunod lahat,” sabi ni Lee. “For me iyong pagiging consistent namin ang dapat naming magawa.”

Ang pagkopo ng Magnolia sa No. 2 spot kasama ang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals ay nakasalalay sa resulta ng huling dalawang laro ng Meralco.

Ang TNT Tropang Giga ay sigurado na sa No. 1 seat  na may kasamang ‘twice-to-beat’ bonus.

Matapos itabla ni Paul Zamar ang Beermen sa 75-75 ay humataw ang Hotshots ng 15-6 atake sa pamumuno ni Lee para kunin ang 90-81 bentahe sa 5:01 minuto ng final canto.

Ang fadeaway ni Lee ang nag-angat sa Magnolia sa 97-84 abante sa huling 2:40 minuto ng labanan na hindi na naputol pa ng San Miguel.

Sa unang laro, sinandalan ng NorthPort sina seven-footer Greg Slaughter at guard Robert Bolick para takasan ang Rain or Shine sa overtime, 91-88, at makasilip ng tsansa sa quarterfinals.

Tinapos ng Batang Pier, nakahugot kay Slaughter ng 25 points, 11 at 6 blocks at may 24 markers si Bolick, ang kanilang two-game losing skid para itaas ang baraha sa 5-5.

Samantala, tinapik ng Blackwater si Ariel Vanguardia bilang interim coach kapalit ni Nash Racela matapos magtala ng PBA record na 0-19 kartada.

Habang sinusulat ang balitang ito, naglalaban pa sa ikatlo at huling laro kagabi ang Alaska (3-5) at Terrafirma (3-7).

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with