^

Pang Movies

LOL, inaasahang magtatagal pa

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
LOL, inaasahang magtatagal pa

Napanood ko sa Lunch Out Loud (LOL) ‘yung paglalaro ni Mr. Fu sa Maritest portion, Salve. Bongga ha, ikaw ang call a friend niya kaya dapat may share ka sa premyo niya na hanggang ngayon ayaw pang i-release ni Pat-P Daza, hah hah hah.

Nanalo si Mr. Fu ng P35,000.

Maganda ‘yung portion at ‘yung palitan nila ni Billy Crawford ng dialogue.

Parang bagay silang magsama sa isang game show. At parang ang saya-saya naman ng LOL kaya sayang kundi magtutuluy-tuloy ang programa.

Magaganda ang portions at mukha namang loaded ng commercials.

Sana nga maayos para hindi na mahinto tulad sa mga chismis dahil sayang din ‘yung effort na binigay sa show ng mga tao na kasali sa production.

Direk Lino, nasa puso ang showbiz

Talagang nasa puso ni direk Lino Cayetano ang showbiz. Kahit na natikman na niya ang politics na siyang career ng pamilya nila, sa showbiz pa rin niya gustong bumalik. Ito pa rin ang daigdig na gusto niyang galawan.

At dahil ipinakita naman niya ang husay niya bilang director sa pelikula kaya natuwa naman ang showbiz sa pagbabalik-pelikula niya.

Mabuti naman at gusto rin niyang gumawa ng serye sa TV, kaya kahit paano mapapanood din sa free TV ang mga obra niya.

Kahit noong nakaupo siya as mayor ng Taguig sa showbiz pa rin siya talagang sabik bumalik.

Welcome back, direk Lino Cayetano, marami na namang magagandang project ang hihintayin namin mula sa inyo.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with