^

Pang Movies

Miguel at Ysabel, bitin sa dalawang ginagawa   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Miguel at Ysabel, bitin sa dalawang ginagawa              
Ysabel

Todo na ang work ng mga Sparkada ng GMA Artist Center. Like ng Sparkada love team nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, na dalawang projects ang ginagawa ngayon, Voltes V: Legacy at ang romantic-comedy series na What We Could Be na mula sa production ng Quantum Films.

Parehong serye ang dalawang project na ginagawa nila kaya mahabang panahon ang ginugugol nila. 

Mas nauna nilang sinimulan ang Voltes V: Legacy in June, 2021, pero dahil sa mabusising production ng live-action anime adaptation, hindi pa rin sila tapos, pero ayon na rin sa post ni director Mark Reyes, malapit na silang matapos ng taping.

Pero hindi naiinip sina Miguel at Ysabel kahit dalawang projects ang ginagawa nila, dahil nakahanap sila ng bagong family habang nasa lock-in taping sila.

Bagong kontrabida na si Lianne, wagi sa netizens

May na-discover ang mga netizen na bagong young kontrabida, in the person of Kapuso actress Lianne Valentin.  No wonder na laging mainit ang suporta ng netizens sa GMA Afternoon Prime na Apoy sa Langit.

Halos araw-araw ay nagba-viral sa Facebook ang mga episodes nito, na madalas ang eksena between Lianne as Stella at Maricel Laxa as Gemma. 

Noong isang araw ay nakakuha ng 2.2 million views ang episode nilang Pictorial Turned Disaster at ang sumunod na episode nitong Stubborn Stella on the Loose na nakakuha ng 4 million views.

Ang Apoy sa Langit ay napapanood Mondays to Saturdays, 2:30PM, after ng Eat Bulaga.

Glaiza, hindi naho-homesick

Happy si Kapuso actress Glaiza de Castro, who’s now taping for Running Man Philippines, ang adaptation ng Korean reality show, dahil kahit more than a month silang magta-trabaho roon, sulit naman daw ang pananatili nila sa South Korea at ini-enjoy niya ang super cool weather. 

Sa kanyang mini-video post sa kanyang Instagram, ipinakita ni Glaiza what’s inside her hotel room na kumpleto at parang nasa condo lang siya. 

Hindi raw naman siya naho-homesick dahil lagi niyang kausap ang kanyang family sa Pilipinas at siyempre, ang husband niyang si David Rainey from Ireland.

vuukle comment

YSABEL ORTEGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with