^

Pang Movies

Heart, nangabog sa Cannes  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Heart, nangabog sa Cannes             

Hindi namin pinapansin ang kuwento noong una, dahil ano nga ba ang gagawin ni Heart Evangelista sa Cannes Film Festival eh wala naman siyang pelikulang kasali.

Pero isang kaibigan naming correspondent ng isang news agency ang tumawag sa amin at nagtatanong tungkol kay Heart. At bakit naman, ang tanong nga namin. “She stunned everyone as she walked in her red gown at Cannes. Is it true that her husband is a legislator in the Philippines?,” pagtatanong pa noon.

Totoo palang marami ang nagulat kay Heart at kung ang ambisyon niya ay may kinalaman sa pangarap niyang international modeling career na  nagsisimula na ngang mapansin.

Liza, mataas ang pangarap

Noong una ay ayaw pang magsalita ang kanyang manager at gusto niyang ang announcement ay manggaling mismo kay Liza Soberano. Pero siguro sa rami nga ng nagtatanong, inamin na rin niyang si Liza na nasa ilalim ng kanyang management ng l1 years, ay hindi na nga pumirma ng panibagong kontrata dahil gusto raw muna niyang dumiskarte sa sarili niyang career. Pero hindi natagalan, lumabas na ang tsismis, at ngayon ay kumpirmado na ngang ang bagong manager ni Liza ay si James Reid.

Matatapos ang kontrata niya kay Ogie Diaz sa Martes, Mayo 31. Pero sinasabi ni Ogie na ang lahat ng mga usapan ay ipinapasa na niya sa management team ni Liza. Inamin din niyang hindi sila nagkausap ni James Reid, o hindi siya kinausap noon.

Ang dahilan, gusto raw kasing magkaroon ng career ni Liza sa Hollywood, na sa paniwala niya ay mangyayari sa ilalim ng management ni James Reid.

Ganyan din ang drama noong araw ni Nadine Lustre. Idinemanda niya ang Viva, gusto niyang makakawala sa kontrata “para mai-manage ang kanyang sariling career,” pero maliwanag noon na gusto niyang lumipat sa management ni James Reid na noon ay live-in partner niya.

Ang kasunod naming tanong, mas naging maayos ba o mas sumikat ba si James Reid sa ilalim ng sarili niyang management company?

Ang Hollywood, na pangarap ng lahat, mahirap mapasok iyan.

Mayroon ka bang kilalang agent na hahawak sa iyo, at magpapakita ng iyong body of work para mapansin ka man lang sa mga auditions sa Hollywood?

 Ilan na ang nagtangka, wala rin. Kung mayroon sanang mas madaling makapasok diyan noong araw, si Lea Salonga na iyon. Pero bakit wala rin?

Bagets na tiktoker, ginawang ‘token’ sa pangangampanya ng baklang male star

“Puwede po tito,” ang lagi raw sagot ng isang bagets pang TikToker, sa tuwing tatawagan siya ng isang gay male star.

Ipinakilala raw ng isang friend ang “TikToker” sa gay male star sa isang party pagkatapos ng isang pinuntahan nilang political campaign.

Maliwanag ding ang poging “TikToker” ang siyang “token” para sa ginawang kampanya ng gay male star.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with