^

Pang Movies

Sharon, ‘namamahinga’ sa social media?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Sharon, �namamahinga� sa social media?!

Naka-Instagram hiatus si Sharon Cuneta, kaya hindi pa nakakapag-post ng pakikidalamhati niya sa naiwang pamilya ni Ms. Susan Roces pero dumating siya sa special tribute ABS-CBN at ng kanyang Ang Probinsyano family kagabi.

Ang last post ni Sharon ay four days ago pa at tungkol sa dog niyang si Bella at hindi na nasundan pa. Isa rin sa last post ni Sharon ay ang tungkol sa favorite K-pop group niya na magko-concert sa bansa, kailangan daw niya ng favorite K-pop group niya “to ease the pain” of heartbreak.”

Anyway, may interview si Frankie Pangilinan na sana, hindi pagsimulan ng bashing at hate comments. Maganda naman ang sinabi ni Frankie na hindi pala lahat ay galit sa kanila (pamilya niya siguro).

“We already were so scared... after years of disinformation, targeted harassment every single day, we genuinely thought that the Philippines hated dad, hated us. On the day they announced, there was an outpour of support, nagulat kami, legitimately. Not everybody hates us pala which was really cathartic coz oh my God it felt like suntok sa buwan.”

Kylie, pinagtanggol ang ama

May mediacon this Monday ang Bolera, ang first sportserye ng GMA 7 na title role si Kylie Padilla at sa May 30 na ang world premiere sa GMA 7. Billiard player ang role na ginagampanan ni Kylie at sa napanood naming video, mahusay sa billiard ang aktres.

Hindi maiiwasang matanong si Kylie tungkol sa amang si Robin Padilla na number one sa mga tumakbong senador. Sa isang interview, inamin ni Kylie na nakakaramdam siya ng takot sa pagiging senador ng ama.

Mapapanood pala sa Bolera  ang guesting ng mahuhusay na billiard players ng bansa, gaya nina Efren “Bata” Reyes, Dyango Bustamante, at ang dalawang gold medalist sa 31st SEA Games na sina Rubilen Amit at Johann Chua. Kaya pala sabi ni Kylie, “Still feels unreal. Definitely made 2022 magic.”

Diego, lantad na ang new girl

Biniro si Barbie Imperial, binati siya ng happy birthday dahil birthday ng ex niyang si Diego Loyzaga noong May 21. May mga sumita sa bumati kay Barbie, patahimikin na raw ang aktres at hayaan na si Diego na tila may bagong love ngayon.

Ang kapwa Viva Artists talent na si Franki Russell ang sinasabing new girl ni Diego ngayon, madalas magkasama ang dalawa. Pati nga pagpapa-tattoo ni Franki, kasama niya si Diego at yakap siya sa ulo ni Diego at nakayakap din si Franki sa aktor habang tinatatuhan siya.

Maraming photos na magkasama sina Diego at Franki sa Instagram yata ni Franki, kaya lang, hindi na makikita dahil deleted na. Sabi ng fans, parang may hawig sina Franki at Diego, malamang daw sila ang bagay at mas magtatagal.

Nakilala agad ng mga Marites si Franki dahil ex-GF pala siya ni Marlon Stockinger na ex-boyfriend naman ni Pia Wurtzbach. Updated sa showbiz news ang mga Marites, impressive!

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with