^

Pang Movies

Kim, na-edit ang post!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Kim, na-edit ang post!

Nagtatanong pa rin pala si Kim Chiu kung ano ang nangyari sa katatapos na eleksyon sa pagpo-post ng “Still I cannot believe how did it happen. I’m sur all of you saw the videos and pictures and news about what happened on the election day. Yet... parang ginawa tayong bulag. How did it happened? Why is this happening? How did we let it happen? Do we even deserve this?”

May mga nagpaliwanang kay Kim kung ano ang nangyari at kung bakit malayo ang agwat ng boto nina VP Leni at Bongbong Marcos pati na sina Sen. Kiko Pangilinan at Sara Duterte. May nag-suggest naman kay Kim na kung sa paniniwala niya nagkadayaan, mag-file siya ng electoral protest.

Meron naman naging Grammar Nazi sa post ni Kim, kinorek nila ang grammar ni Kim, para hindi na ulitin. Ang iba naman, ginawang rason ang post ni Kim para mag-away-away na naman ang Kakampinks at UniTeam supporters.

Ang mga sumunod na post ni Kim, mukhang nakapag-move on na ito sa resulta ng eleksyon.

Nagre-relax na ito sa Highland Bali Villas, Resort and Spa na nasa Nueva Ecija at inirampa ang swimsuit ng HM na siya ang endorser.

Kampo ni Andrea, nagsalita sa isyu sa salon

Pinabulaanan at nilinaw ng manager ni Andrea Brillantes na si Becky Aguila ang balitang tinanggal si Andrea na celebrity clients ng isang salon.

Not true raw ang balita dahil hindi endorser si Andrea ng salon.

Sabi pa ng manager ni Andrea, five years ng hindi kliyente si Andrea ng salon at wala ring kontrata si Andrea sa kanila. Ni-remind nito ang publiko na ‘wag agad maniniwala sa mga balitang kumakalat sa social media. Kasunod nito, pinasalamatan ng management ni Andea ang mga brand na patuloy na nagtitiwala sa Kapamilya aktres.

Naku, ang isa sa owner ng salon, si Mary Pauline Suson Danga-Obias ang nag-post sa Facebook na nang mabasa ang comment ni Andrea, pinatawagan nila ang ina ng aktres para sabihing they drop Andrea from their roster of celebrity clients.

Sa nabasa namin, walang sinabi si Mary Pauline na endorser nila si Andrea, celebrity clients daw, ibig sabihin, customer nila. Pero, kung totoo ang sinabi ng management ni Andrea na five years nang hindi pumumunta sa nasabing salon si Andrea, ang may isyu nito ay ang salon at management ni Andrea.

Michael, binigyan ng pag-asa ang mga natsugi sa Bubble

Sabi ni Michael V., sa mediacon ng relaunching ng Bubble Gang sa May 27, hindi sumama ang loob ng mga kasama dati sa gag show na inalis at pinalitan, kaya hindi na sila kasama sa relaunching.

“Kinausap ko sila kung bakit kailangan silang magpaalam na sa show. Kasi this could probably be the beginning for some of them na simulan uli ‘yung journey pabalik sa show. Kasi, laging bukas ‘yung Bubble Gang for talents na kakailanganin namin and since naging part na rin sila, I’m pretty sure they’ll find their way back,” sabi ni Bitoy.

Ibinigay na example ni Bitoy sina Ara Mina at iba pang dating regular ng Bubble Gang na naggi-guest pa rin sa mga special episode ng show. Ganundin daw ang mangyayari sa mga naalis na sina Antonio Aquitania, Mikoy Morales, Dos Quizon, Denise Barbacena, Lovely Abella, Ashley Rivera, Diego Lorico, Myka Flores, Liezel Lopez, at Arra San Agustin.

Pero si Chariz, feel niyang may mga sumama ang loob sa mga naalis, lalo na ‘yung walang regular show ngayon sa GMA-7. Muntik pang maiyak si Chariz sa sinabing wish niyang muling makatrabaho ang mga naalis.

Pati, ibang loyal viewers ng Bubble Gang nalungkot na nabawasan ang cast ng gag show, pero manonood pa rin sila para raw makita kung mahusay sa comedy ang mga ipinalit.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with