^

Pang Movies

Alden, ayaw na sa red meat at carbs!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden, ayaw na sa red meat at carbs!          

Ikinatuwa ni Alden Richards na nung nasa US siya ay nagluwag na ang bansa sa safety protocols kaya naman nag-enjoy siya talaga.

Matatandaang nagpunta sa US si Alden kasama ang pamilya noong Holiday Seasons at doon na rin siya nagdaos ng karaawan noong Jan. 3.

“Ibang-iba ‘yung experience kasi. Since, kumbaga, ‘yung United States naman po is a first world country, parang they have COVID under control. It’s just that hindi lang nakokontrol ‘yung surge or number of cases,” kwento ni Alden sa Mars Pa More.

“Ngayon po du’n, medyo maluwag kasi ni-lift na po, actually, upon arrival namin po du’n, parang one month nang ni-lift ‘yung mandate regarding masks.

“So, puwede kang hindi na mag-mask sa labas pero kapag enclosed establishments, dapat naka-mask ka, kasi hindi ka papapasukin,” sey pa niya.

Kaya naman sa isang post ni Alden na larawan niya habang nasa labas siya ng restaurant ay wala siyang mask at mukhang enjoy na enjoy talaga siya.

Paliwanag niya, sa isang restaurant daw sa Santana, California kuha ang larawan.

Na-experience rin ni Alden ang mag-drive ng electric car sa US at na ipinost din niya sa kanyang social media. Ayon sa Pambansang Bae, first time niyang mag-drive nito.

“Wala po siya sa plano – to rent a car. Actually, it’s just a rental car. It’s an electric car po kasi, ‘yang Tesla. Very common na po siya sa US and I haven’t driven a Tesla before. So, sinubukan ko pong mag-rent for a couple of days and then ‘yan po ‘yung ginamit naming pang-ikot sa California,” pagbabahagi ng aktor.

Ang larawan daw niyang nagkakape habang nakasakay sa Tesla ay kinunan ng kanyang tiyahin noong sila ay nasa Twin Peaks, isang elevated area sa San Francisco na isa ring tou­rist attraction. “Malamig,” kwento pa niya.

At nang tanungin siya tungkol sa photo niya kung saan ay ipinakita niya ang kanyang abs, ayon kay Alden ay ito raw ang resulta ng araw-araw niyang pagdyi-gym. “I started a new lifestyle, so working out, eating healthier, hindi na po ako nagre-red meat, hindi na po ako nagka-carbs,” sey pa niya.

Cindy, parang nanalo sa lotto

Ayon kay Cindy Miranda, para raw siyang nanalo sa lotto nang i-offer sa kanya ang Reroute ng Viva Films.

Sey ng beauty-queen hindi rin siya makapaniwalang makakatrabaho niya ang magaga­ling na aktor na sina John Arcilla at Sid Lucero.

Ang Reroute ang bagong pelikula ni Cindy sa Viva Films na napapanood na sa kasalukuyan sa Vivamax na idinirehe ni Lawrence Fajardo. “This is my best movie yet,” sambit ni Cindy. “Hindi pa ako nananalo sa lotto, but I felt that way,” nangingiting sabi niya.

Kaya nga umoo raw siya agad-agad na gawin ito.

Sinabi pa ni Cindy na kakaiba ang Reroute sa lahat ng pelikulang nagawa niya.

Isang suspense-thriller ang Reroute na ginagampanan n Cindy ang papel na asawa ni Sid. Kasama rin sa pelikula si Nathalie Hart.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with