^

Pang Movies

Dating aktres / Beauty Queen, namatay sa cancer

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Dating aktres / Beauty Queen, namatay sa cancer

Matapos ang kanyang dalawang taong pakikipaglaban sa sakit na cancer, sumakabilang-buhay na ang ang Los Angeles, California, USA-based singer at dating actress at beauty queen na si Rosemarie de Vera (Rosa Maria de Vera-Javier). 

Ang 1980 Mutya ng Pilipinas at 1st runner-up ng Miss Asia Pacific ay tuluyan nang namaalam nung nakaraang Sabado, Jan. 15 ng 9:05 p.m. Ang malungkot na balita ay ipinarating ng kanyang anak na si Vanross sa pamamagitan ng FB account ng yumao.

It was last Dec. 11, 2021 nang unang ibalita ng mister ni Rosemarie na si Giovanni Javier ang malungkot na balita na nag-spread na umano sa brain ng singer-actress ang cancer kaya malamang daw na hindi na ito umabot ng Christmas. Pero nalagpasan pa ng dating beauty queen ang Pasko at Bagong Taon pero tuluyan na itong namaalam nung gabi ng Jan. 15.

Si Rosemarie ay naging aktibo sa kanyang showbiz career in mid-`70s na umabot hanggang 1987 pero ito’y kanyang tinalikuran nang siya’y mag-migrate sa Amerika with her family.

Ilan sa mga pelikulang kanyang ginawa ay ang Alas Tres ng Hapon…Lumuhod ang Maton, Kampus, Jack & Jill of the Third Kind, at iba pa.  Naging paborito ring leading lady si Rosemarie ng action stars noon kaya pawang action movies ang kanyang ginawa nung aktibo pa siya sa showbiz.

RK at Jane, nega na

Parehong nagpositibo sa COVID-19 ang magkasintahang RK Bagatsing at Jane Oineza recently pero pareho na silang naka-recover kaya pareho na rin silang ready na sumabak muli sa trabaho.

Ang relasyon nina RK at Jane ay nalaman lamang ng netizen nang pareho nilang i-post ang kanilang mga litrato na magkasama nung May 2021. Magmula noon ay pareho nang naging bukas ang dalawa sa kanilang relasyon by posting their happy moments photos na magkasama.

Si RK ay nakababatang kapatid nina Raymond Bagatsing at dating Kapamilya actress na si Monina Bagatsing. Ang huli ay may asawa na at naka-base sa New York City, USA kung saan din siya nagtatrabaho.

Ivana, naudlot muna ang gagawing teleserye

Sa kabila ng pagiging maingat at hindi halos lumalabas ng bahay, kinapitan pa rin ng virus ang sexy star at top vlogger na si Ivana Alawi maging ang kanyang kapatid na si Hashim.  Silang magkapatid ay parehong nahawa sa kanilang inang si Fatima Marbella.

Sina Ivana, Hash at kanilang ina ay pare-parehong nang naka-isolate at patuloy na nagpapagaling.

Ang sexy star-vlogger ay siyang may pinakamataas na subscribers sa YouTube among the Filipino female celebrity bloggers with 14.8M subs.

Samantala, sa kabila ng kanyang pagiging top celebrity vlogger, marami ang nagtataka kung bakit hindi ito aktibo sa kanyang pagiging aktres sa telebisyon at pelikula. 

Although nakatakda sana itong gumawa ng teleserye sa ABS-CBN katambal sina Gerald Anderson and Sam Milby.

Hindi rin nakaligtas sa COVID-19 ang binatang mayor ng Pasig City na si Mayor Vico Sotto pero sa kabila nito ay patuloy ang kanyang trabaho kahit siya’y naka-quarantine at patuloy na nagpapagaling.

Nakaligtas man siya nung isang taon sa Delta variant na siyang ikinamatay ng kanyang driver, hindi naman siya pinalagpas ng Omicron variant na mas mabilis na nakakahawa kumpara sa Delta variant.

Ipinapaalaala pa rin ng batang mayor ang patuloy na pag-iingat ng lahat at sundin pa rin ang mga panuntunan ng health protocols.

Samantala, matatapos na ang unang termino ni Mayor Vico bilang mayor ng Pasig papunta sa kanyang second term pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong nobya. Ang dalawa niyang mga nakatatandang kapatid na sina Danica at Oyo at sumunod sa kanya na si Pauline ay pare-pareho nang may mga pamilya at mga anak. Nirerespeto naman nina Vic Sotto at Coney Reyes ang desisyon ng kanilang anak pero umaasa rin sila na sana’y bigyan din ng puwang ni Mayor Vico ang magkaroon ng girlfriend and eventually his own family balang araw. After all, he is only 32.

vuukle comment

JANE OINEZA

RK BAGATSING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with