^

Pang Movies

Ogie, nagsosolo muna sa pagtulog

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Ogie, nagsosolo muna sa pagtulog

Maganda ang ginawa ni Ogie Alcasid bilang safety precaution dahil back to work na siya at ito ay ang pag-a-isolate sa asawang si Regine Velasquez. Sa ibang kuwarto sa kanilang bahay muna natutulog si Ogie habang nagre-report siya sa It’s Showtime na live na uli mula pa noong Monday.

Pinost ni Ogie ang larawan niya kasama ang isa nilang aso na magiging roommate raw niya. “Wifey and I decided that I sleep on my own because i have gone back to work. We are just thinking of Nate as he is the only one not vaxxed in our family. Medyo mataas pa talaga ang mga bilang kaya nag iingat lang. we are all swabbed and tested in abs cbn and follow all health protocols very strictly. Maigi na rin po na mag iigat. Stay safe everyone!!”

Mukha namang hindi malulungkot si Ogie na magsosolo muna siya sa pagtulog dahil may puppy siyang kasama na parang very happy to have him as a roommate.

Vin, hindi naalagaan ang anak nang magkasakit!

Nag-COVID-19 positive rin pala sina Vin Abrenica, ang fiancee niyang si Sophie Albert at ang baby girl nilang si Avianna Celeste. Masakit kay Vin na hindi siya makatulong sa pag-aalaga kay Avianna dahil naka-isolate siya sa isang kuwarto ng bahay nila ni Sophie.

Hindi siya nakatulog nang dalhin sa ospital si Avianna at ina-update na lang siya ni Sophie sa nangyayari sa baby nila pati ‘yung nagwi-whistle na ang pag­hinga nito.

Thankful si Vin na negative na siya sa COVID-19 at nagpapagaling naman sina Sophie at si Avianna. Ang naalala ni Vin, nakaramdam siya ng symptoms pagkatapos ng family gathering nila hanggang sa nakumpirma ngang positive siya.

Anyway, nag-guest sa isang episode ng Tadhana ng GMA 7 si Vin, ang tanong sa kanya ay kung masusundan pa ang paggi-guest niya sa shows ng Kapuso? Siguro, ang manager niyang si Arnold Vegafria ang makakasagot nito.

Carlo at Trina, nagkabalikan agad!

Sa rami ng oras ng netizens dahil nasa bahay lang ang karamihan, may time silang i-check ang Instagram ng mga celebrity. Ayun, nalaman na in-unfollow nina Carlo Aquino at partner nitong si Trina Candaza ang isa’t isa.

Pati ang hindi pagta-tag ni Trina sa post ni Carla kahit ‘yung photos nila Carlo at ng kanilang baby girl, napansin din ng netizens. Talagang tinanong nila si Carlo kung bakit naka-unfollow sa IG ni Trina at ganu’n din si Trina? Hindi nga lang sinagot ni Carlo ang tanong.

Ang good news, naka-follow na uli ang dalawa sa IG ng isa’t isa, sabi tuloy ng netizens na karamihan ay Marites, baka nagkatampuhan lang, mabilis naayos ang tampuhan, kaya friends na uli sila.

Kaya kayong mga celebrity, kung ayaw niyong magkaisyu na may problema kayo sa asawa, GF o partner niyo, ‘wag niyong gamitin ang social media dahil nalalaman din. ‘Wag n’yo rin ide-delete agad ang photos ng isa’t isa dahil malalaman din.

Christian at Julie Anne, may bagong collab

Pati kami mag-aabang sa release ng bagong collaboration nina Christian Bautista at Julie Anne San Jose ng new single nilang Everybody Hurts sa Friday, Jan. 21. Ire-release ang single on digital platforms mula sa Universal Records.

May pa-teaser si Christian sa new single nila ni Julie sa kanyang Instagram, pero hindi pa rin namin nalaman kung original composition ito o cover sa song ng R.E.M na marami ang nagkagusto.

Samantala, naurong pala sa April 2022 ang third part ng Limitless concert ni Julie na naka-schedule ng February. Dahil sa pagtaas ng infected ng COVID-19 ang nabasa naming rason sa pagkakaurong ng petsa ng digital concert.

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with