^

Pang Movies

Doods at Pie, humabol sa KathNiel!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Mukhang tama si Luis Manzano na baka itapat sa KathNiel loveteam ang relasyong Edu Manzano and Cherry Pie Picache. Aba’y napakarami ngang kinikilig sa bagong magdyowa at mukhang masaya naman ang buong showbiz para sa kanila.

Kahapon ay may bagong post si Cherry Pie sa kanyang Instagram na mga new photos nila ni Edu and in fairness, bagay talaga sila, may kilig talaga.

Sa isang larawan ay makikitang hawak pa ni Edu ang kamay ni Pie at mukhang happy naman sila sa isa’t isa.

Maging sa caption ni Pie ay kitang-kita ang happiness niya at pagiging positibo.

“Last of the leg and definitely not the least. A much needed breather that definitely reminds the heart to be grateful , hopeful and continuously pray that this too shall pass for everyone to live again with no fear, share priceless moments in togetherness…with the gift of presence, laughter, touch with family and friends , to appreciate and bask in the abundance of God’s blessings on living no matter what part of the world you are in,” caption ng magaling na aktres.

Si Edu at Cherry Pie ay magkapareha sa Kapamilya seryeng Marry Me, Marry You na kasalukuyang umeere at sinasabing sa set nga ng lock-in taping nabuo ang kanilang magandang pagtitinginan.

Love in the pandemic kung baga ang kanilang drama.

Erik, umaming inatake rin ng anxiety

Aminado si Erik Santos na nakaranas din siya ng anxiety last year because of the pandemic. “Ang hirap, eh. Kasi for someone na talagang busy talaga, alam mo ‘yun na ang dami-daming ginagawa, biglang nahinto. So, nagkaroon ako ng parang anxiety. Tulad ng ibang tao rin na mga kakilala ko sa industriya na nagkaroon din sila ng anxiety,” pagtatapat ni Erik nang makatsikahan namin last Thursday sa launching ng kanyang Christmas single titled Paskong Kayakap Ka.

Ang Diyos na lang daw talaga ang kinapitan niya ng mga panahong ‘yun.

“Napakalaking tulong ng faith, di ba? Bilang Kristiyano, parang sa panahon ngayon, wala kang ibang kakapitan, kakatigan kundi ang Panginoon. I don’t wanna sound preachy pero ganu’n talaga, eh. Ang tumulong sa akin, ‘yung faith ko and my family. Na parang kahit ano ang mangyari, ‘yung family ko ang uuwian ko and nandiyan sila para sa akin at nandito ako parati para sa kanila,” he said.

Ngayon ay medyo okay na raw siya at nakakapag-adjust na. Masayang-masaya na may bago siyang single at unti-unti nang bumabalik sa dati ang buhay at sana nga raw ay magtuloy-tuloy na.

vuukle comment

EDU MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with