^

Pang Movies

Lotlot at Janine, natupad ang pangarap

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Lotlot at Janine, natupad ang pangarap

Natupad na ang pangarap ni Lotlot de Leon na makasama ang anak na si Janine Gutierrez sa isang project.

Mag-ina, no less, ang roles na ginagampanan nila sa malapit nang magtapos na Marry Me, Marry You, co-starring Janine with Paulo Avelino.

Parang irrelevant itong tanong natin, well, kung sino sa kanila ang mas magaling na artista.

Mas maganda sigurong malaman kung kailan naman gaganap na mag-ama sina Janine at ang kanyang father sa tunay na buhay, si Ramon Christopher.

Any takers?

Hidilyn at Julius, tuturuang maging medalists ang mga magiging anak

Wish pala ni Hidilyn Diaz, yes, the first Filipino gold medalist in the Olympics, na magkaroon kaagad ng dalawang anak, isang babae at isang lalaki, ngayong usap-usapan na engaged na sila officially ng kanyang fellow athlete boyfriend na si Julius Naranjo.

Pero, iba ang type diumano ni Julius. He wants six boys in a row.

And whom he plan na i-groom into athlete na posible ring maging medalists sa Olympics tulad ng kanilang ina.

Well, good luck to Hidilyn at Julius.

Alden, seryoso sa pagbalik sa eskuwelahan

May sakit na pala ang mother ni Alden Richards, na siyang may pangarap na pumasok siya sa showbiz.

Palibhasa bedridden, she never had the chance na mapanood personally at work before the camera ang anak.

But Alden knows daw, his mom was happy for him. Mas lalo na siguro kung buhay ito ngayon.

Well, ngayong he is now the Alden Richards we all know, ang gusto naman niyang matupad ay ang pangarap sa kanya ng amang magtapos ng college.

Yes, magbabalik school siya ang plans to take up Economics at the University of the Philippines, no less.

But he will, of course, do this not at the expense of his showbiz career. Lalo’t kapipirma lang niya ng bagong contract sa GMA 7.

Lalo’t matutupad na ang pangarap niyang maging leading lady si Bea Alonzo sa pelikulang A Moment To Remember.

Doon nga pala sa sumusubaybay sa kanyang series with Jasmine Curtis-Smith, The World Between Us, na kasalukuyang nabimbim muna, huwag mag-alala dahil tatapusin daw ni Alden ito bago mag-full time siya sa A Moment To Remember.

Tonton at Pokwang, patok mag-comedy

Bagay pala kina Tonton Gutierrez at Pokwang ang maging comedy team based sa kanilang performance as a couple na nag-switch body sa Daig Kayo Ng Lola Ko.

Happily married in real life both ang dalawa.

Si Tonton, married kay Glydel Mercado for 16 years. Dalawa ang kanilang anak na parehong babae.

Six years nang nagsasama sina Pokwang at Lee O’Brian, American, with whom Pokwang has a daughter, Malia, five years old.

With a previous relationship na sa isang Japanese, she has a 25 year old daughter, Ria Mae.

Legaspiños, nagdiriwang ng Pista ni San Rafael

Feast day ngayon (Oct. 24) ni San Rafael, Patron Saint ng Legaspi City.

Happy fiesta, Legaspiños.

At Raphael is the Patron Saint of travelers, the blind, body ills, happy meetings, nurses, physicians and matchmakers.

Pray tayo sa kanya, Salve A. (Wow matchmakers pala po may Patron Saint. Thank you, San Rafael. – Salve A.)

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with