^

Pang Movies

Yasmien, never nawala sa focus

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Yasmien, never nawala sa focus

Gustung-gusto ko ‘yung naging focus ni Yasmien Kurdi hindi lang sa career niya kundi sa family life. Bata pa, alam na ni Yasmien kung ano ang gusto niya, kung paano niya ito gagawin.

Kahit nang nag-asawa na siya at nagkaanak, hindi nawala sa focus si Yasmien. Priority man niya ang pamilya, iba pa rin ang binibigay niyang importansiya sa trabaho niya. No wonder nagawa niyang maging steady ang kinalalagyan niya, very stable ang level niya. Afternoon drama queen siya dahil siya ang bumuhay nang panghapon slot ng mga teleserye.

Mark Herras and Yasmien Kurdi will always have a soft spot in my heart, nakita ko sila mula umpisa pa lang ng career nila, kaya I feel that special bond with them. Una nilang pag-travel abroad, ako ang nakasama nila, ‘yung journey nila sa life nakita ko.

Kaya naiinis ako ‘pag medyo naa-out of focus sila. Siguro nga, iba ang outlook ng babae kesa lalaki, or baka talaga lang mas merong focus si Yasmien kesa kay Mark.

So happy for Yasmien Kurdi. So proud of her decisions in life. At ngayon, dahil ka-partner niya si Rey, ang kanyang asawa, lalo pang gaganda ang kanyang lalakarang daan.

Kylie, hinihingan ng paliwanag

Sure ako na maiintindihan ni Cristy Fermin ‘yung outburst ng galit ni Kylie Padilla. ‘Yung parang sagot niya sa mga issue na inilalabas ni Aljur Abrenica. Parang paramdam din iyon kay Aljur na ‘pag ‘di ito tumigil, meron pa ring mga alas na ilalabas ito kung sakali.

Pinakamasakit na bintang sa isang babae na may asawa ‘yung sinabi ni Aljur, na nag-cheat si Kylie. Kaya siguro ‘di na rin napigilan si Kylie na sumagot, pero sure ako na ready rin siya na magbigay ng paliwanag kay Cristy.

Siyempre affected si Kylie, galit, pero alam niya na trabaho naming manunulat na hanapin kung ano ang totoo. Kung sinulat man ang issue ni Aljur, bukas din ang radio at column ni Cristy para sa panig ni Kylie. Walang personalan sa mga issue, ‘yung kung ano lang makarating sa amin at gustong ipaliwanag.

Kung gusto mo, Kylie, bukas ang Take It… Per Minute Me Ganun, anytime for your story. Huwag mong isipin na meron kaming kinakampihan. Mas gusto naming maging maligaya kayo kasama ng mga anak n’yo, huwag padala sa init ng ulo. Cool lang. Pero para sa akin, mali ang mga salitang ginamit ni Aljur. Hindi bagay sabihin sa asawa mo, kay Kylie. Pero kayo lang dalawa ang lulutas nito, at sana, for the good of your kids. 

vuukle comment

YASMIEN KURDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with