^

Pang Movies

Maine, ‘di totoong umalis sa management team!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Maine, �di totoong umalis  sa management team!
Maine

Just wondering kung saan kinukuha ng showbiz vloggers ang balitang wala na raw contract si phenomenal star Maine Mendoza sa Triple A, ang talent agency ng All Access To Stars. Ang alam naming malapit nang magtapos ay ang P-Pinoy competition na hosted nila ni Paolo Ballesteros, na magkakaroon ng kanilang grand finals sa Nov. 7, sa TV5.

Nagtatapos na rin si Maine sa taping ng kanyang Maine Goals para sa Cignal TV at TV5. Ang kanila namang comedy show na Daddy’s Gurl with Vic Sotto ay katatapos lamang mag-celebrate ng third year anniversary last week.

Kaya ngayong malilibre na si Maine sa dalawang shows niya na parehong itini-tape nila, expecting na ang fans niya na makaka-attend na siya sa daily show nilang Eat Bulaga sa APT Studios.

Alden, tapos na sa lock-in

Muling nag-renew ng contract niya sa GMA Network si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, yesterday morning, Oct. 15. Ten years nang Kapuso si Alden at 11th year na niya sa Dec. 8.

Ginanap ang contract signing sa hotel kung saan sila nag-lock-in taping.

Before midnight last Thursday, Oct. 14, natapos ang lock-in taping ni Alden ng kanilang GMA Primetime series na The World Between Us with Jasmine Curtis-Smith, Tom Rodriguez, Sid Lucero, Ms. Dina Bonnevie and Ms. Jaclyn Jose.

Matatandaan na nagkaroon ng break ang lock-in taping ng serye last September at mapapanood na ang book two nila simula sa Nov. 15, 2021, sa same timeslot after ng 24 Oras sa GMA 7.

Tonton, na-challenge kay Pokwang

Sa isang interview kay Kapuso actor Tonton Gutierrez, nagpasalamat siya na fully vaccinated na siya, kaya hindi siya natakot nang mag-positive siya sa COVID-19, na hindi raw niya alam kung saan niya nakuha, dahil kasama naman niya sa bahay ang wife niya, actress Glydel Mercado and their two daughters, Aneeza and Aneeka, nang i-test sila, negative naman. 

Wala rin naman daw siyang naramdaman na symptoms pero nag-quarantine rin siya ng 14 days at home at nang muli siyang i-test, negative na siya.

Kaya itinuloy na ni Tonton ang taping niya ng comedy show na Dear Uge, ang It’s Not You, It’s Me, na katambal niya si Pokwang. Sanay nang gumawa ng heavy drama, first time ni Tonton na gumawa ng comedy. “Na-excite naman ako nang malaman kong makakatambal ko si Pokwang at gaganap kaming mag-asawa pero magkakapalit ang mga bodies namin. Challenge sa akin kung paano ko gagayahin ang animated way of talking and speaking ni Pokwang. Kaya nag-observe ako sa mga kilos niya sa set at kinopya ko ang mannerisms niya. Siguro naman ay ok ang panggagaya ko, kaya may isa kaming eksenang ginawa na napapalakpak ang production crew and staff pagkatapos namin ng take ni Pokwang, intense at may depth na kasi ang acting niya,” sabi ng aktor .

Mapapanood ang Dear Uge, hosted by Eugene Domingo tomorrow, Sunday, 3:35 p.m. sa GMA 7.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with