^

Pang Movies

Papa P, papasok sa teleserye ni Maja sa TV5

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Papa P, papasok sa teleserye ni Maja sa TV5

Matapos patuna­yang Kapamilya siya, mapapanood si Piolo Pascual sa nagiging favorite ng manonood na comedy-drama series ng TV5 na Niña Niño na ka­makailan lang ay nagtala ng record-breaking na 5.0 percent TV rating sa kabila ng malakas na kalaban sa parehong timeslot nito.

Makakasama nga ng Niña Niño cast simula sa Oct. 25 na pinagbibidahan ni Maja Salvador ang nag-iisang Papa P.

Sa TV5 na umeere ang ibang programa ng ABS-CBN sa kasalukuyan.

Gagampanan ni Piolo ang role ni Mayor Christopher Charles Juarez, ang bagong halal na mayor na handang paglingkuran ang mga tao ng Sitio Sta. Ynez.

Pinaghahandaan na ng mga writer ng Niña Niño ang magiging karakter ni Papa P. Bilang Mayor Charles, kailangan niyang harapin ang mahabang political tradition ng kanyang pamilya at ipaglaban ang kanyang mga prinsipyo at pamumuno bilang bagong alkalde ng Sitio Sta. Ynez. “We are grateful for those vie­wers that continually anticipate our shows. We wouldn’t be able to achieve such a high rating without their support with Niña Niño and we hope that they will enjoy this surprise we have prepared for them,” pahayag ni Robert P. Galang,  President & CEO ng Cignal at TV5.

Mapapanood ang Niña Niño tuwing Lunes, Martes, at Huwebes ng 7:15 p.m., pagkatapos ng Sing Galing at bago ang FPJ’s Ang Probinsyano sa TV5.

Katatapos lang ngang mag-renew ng contract sa talent arm ng ABS-CBN, Star Magic, ni Papa P, at nakatakda silang magtambal ni Lovi Poe sa local adaptation ng Korean series na Flower of Evil.

Pero uunahin daw munang gawin ng bagong Kapamilya actress ang kanyang Hollywood film bago mag-umpisa ng series sa ABS-CBN.

Dating aktres na si Janet Bordon, pumanaw sa Amerika

Pumanaw na sa Amerika ang da­ting actress na si Janet Bordon.

Hindi pa gaanong limot ng maraming movie fanatics si Janet dahil sa pelikula niyang Virgin People ng nasirang si Direk Celso Ad Castillo.

Marami rin itong iba pang nagawang sexy drama movie noong kapanahunan niya - ‘70s to ‘80s.

Namatay ito dahil sa cancer ayon sa online reports at ilang kaibigan nitong may communication sa pamilya nito.

Naging leading rin siya sa ibang pelikula sina Sen. Bong Revilla and the late Rudy Fernandez.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with