^

Pang Movies

Sunshine, maraming ganap sa September

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Sunshine, maraming ganap sa September

Alam mo, Salve A., may significance ang petsang Sept. 18 sa singer-actress na si Sunshine Braden Cruz dahil ito ang petsa nang maging magkasintahan sila ni Macky Mathay, ang half-brother ng singer-actress at kaibigan niyang si Ara Mina.

Nitong nakaraang Sept. 18 ay nag-celebrate ng kanilang ika-5th anniversary bilang magkasintahan sina Sunshine at Macky. Opisyal silang naging magnobyo noong Sept. 18, 2016.

Sina Sunshine at Macky ay parehong hiwalay na sa kanilang respective partners – si Sunshine sa dati nitong mister na si Cesar Montano at si Macky naman sa dati nitong misis na si Camille Farinas. Pareho rin silang may tig-tatlong anak sa kanilang previous partners.

Ang ikinatutuwa nina Sunshine at Macky, close ang kanilang mga anak kaya hindi ito naging problema sa simula pa lamang ng kanilang relasyon.

It was in Sept. 18, 2018 nang ma-grant ang annulment ng kasal ni Sunshine sa kanyang ex-husband na si Cesar kaya libre na itong magpakasal kung nanaisin niya. Pero sa case ni Macky ay hindi pa malinaw dahil hanggang ngayon ay naghihintay pa ito sa annulment ng kasal nila ng kanyang dating misis.

Smooth-sailing ang relasyon nina Sunshine at Macky gayundin ang relasyon ni Macky sa mga anak ni Sunshine (kay Cesar) na sina Angelina, Sam at Cheska gayundin ang aktres sa tatlong anak ni Macky.

Si Sunshine ay ikinasal kay Cesar noong Sept. 14, 2000 (na malapit din sa petsang  Sept. 18) at nagkahiwalay naman sila noong 2013. Five years later ay na-grant ang kanilang marriage annulment.

Kung si Sunshine ay masaya ngayon sa piling ni Macky, nakatagpo na rin ang ex-husband ni Sunshine ng bagong mamahalin, ang non-showbiz na si Maria Socorro ‘Kath’ Angeles kung kanino may tatlong anak ang actor. May isa ring anak na lalake ang actor sa 2009 Miss Earth Philippines na si Sandra Seifert na si Coco na anim na taong gulang na ngayon. Ito’y labas pa sa 22-year-old son ni Cesar sa actress na si Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga. May dalawa ring anak ang actor sa una nitong misis na sumakabilang-buhay na, sina Angela at Angelo pero ang huli ay namayapa na rin.

Speaking of Cesar, kamakailan ay nagkaroon ito ng COVID at aminado siyang naging kritikal ang kanyang kondisyon.

vuukle comment

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with