Bea at Rabiya, unahan kay Alden
Sino kaya kina Bea Alonzo at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang unang magkakaroon ng pagkakataong maging kapareha ni Alden Richards?
They both want him to be their leading man sa unang gagawin nilang project sa GMA 7.
At heto pa kamo ang nakakatuwa, wala silang pakialam kung series o film ang una nilang pagtatambalan ni Alden.
Of Rabiya nga pala, ask ko lang if may kinalaman ang kanyang pagiging professional physical therapist kung bakit ambisyon niyang mag-engage sa funeral home business.
Rabiya reportedly graduated with a degree in Physical Therapy with honor from a university in Iloilo City.
Jayda, mas sisikat sa magulang?!
Nai-release na pala ang supposed debut album ng 18 years old na si Jayda Avanzado. No need to tell you who her parents are?
Popular singers and performers Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza, that’s who.
Title of the album is Bahagi, which Jayda said she herself co-produced. Natural din na ang ilan sa awitin sa album ay siya ang composer at umawit.
Distributor is Star Music at naririnig ang mga awitin in all streaming platforms.
Definitely isa sa may pinakamagandang mukha among our young singers today, marami ang humuhulang magiging even more popular si Jayda than any of her parents.
Huwag naman both parents, they stated, though.
Christmas song ni Jamie, may bagong title
Dating may titulong Disyembre Na Naman, starring, kumbaga, ang music icon na si Jamie Rivera, bibigyan daw ni Jamie ng bagong titulo ang album niyang ito: Ber Months Na Naman.
Popularly known in her prime as a pop singer, she later was dubbed as an Inspirational Singer, especially after the release of her post-EDSA Revolution debut album, Hey It’s Me.
Jamie started her singing career in 1987. She is into singing religious songs these days.
Jamie is 55 years old.
Jodi at Iwa, sasabak sa kampanya?!
Tahasang sinabi ng dating aktres na si Iwa Moto na magiging open siya sa kanyang pangangampanya kay Senator Ping Lacson, na officially ay sinabing tatakbong pangulo ngayong election 2022.
Hindi lang daw dahil father ito ng kanyang current love of her life, si Panfilo Jr. kung hindi dahil deser ving itong mamuno ng ating bansa. Bukod daw sa mabait na, matalino pa.
Well, she wouldn’t mind daw campaigning for him side by side with Jodi Sta. Maria, former wife ni Pampi Jr.
- Latest