^

Pang Movies

Baguio, lalong dinarayo

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nasa Baguio pala ngayon sina Cris Roque ng Kamiseta, Pat-P Daza at Leo Espinosa. Talagang favorite place ni Pat-P ang Baguio dahil noon pa siya nagyayaya rito para pumunta.

Eh siguro nagsawa si Leo sa Batangas kaya hayun, pumunta muna sila sa ‘Friendship Capital’ ng Pilipinas. Baka naman itse-check nila ‘yung trace ng mga pinuntahan nila ng mag-‘friends’ doon para malaman kung friendly o romantic talks ang ginawa ng mag-’friends’ ‘pag pumupunta ng Baguio, hah hah hah.

Siguro nga iba ang high ‘pag nasa City of Pines kaya paborito ito ng mga bakasyunista. Lalo pa nga ngayon na madali na ang travel dahil sa magandang highway na ginawa ng DPWH na build build build ni Sec. Mark Villar.

Ibang K-drama, masyadong konserbatibo

Alam mo ba, Salve, na pinanood ko uli ang Bride of the Water God kung saan bida si Nam Joo-hyuk. At type ko siya kasi hindi tulad ng ibang Korean romantic drama na in love na in love na ang mga character pero hanggang peck at yakapan lang ‘pag nagkita.

Siguro nga masyadong clean ang mga character nila kaya ayaw ng may mga love scene, pero para namang hindi natural na matagal hindi nagkita at sabik sa isa’t isa pero heto yakapan at peck lang sa lips? Parang hindi naman totoo ‘di bah?

At least dito sa Bride of the Water God laging kini-kiss ni Nam Joo-hyuk ‘yung leading lady niya, kaya kilig-kiligan talaga. Kahit sa Weightlifting Fairy medyo romantic din ang mga eksena kahit pa nga medyo parang bitin din, me­rong spark dahil naging mag-on sila ng leading lady niya doon.

Naku ha, baka mabalik na naman ako sa pagiging Korean addict nito dahil kinikilig ako kay Nam Joo-hyuk. Kaloka!

vuukle comment

MARK VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with