Toni, ayaw paapekto sa bashers!
Hindi nagpatinag si Toni Gonzaga sa mga basher, hater at mga nakisawsaw sa ginawa niyang interview kay dating Senador Bongbong Marcos.
Sarili nga namang channel sa YouTube ni Toni lumabas ang interview. So may choice siya kung sino ang gusto niyang ma-interview, huh!
Basta para sa kanya, may kanya-kanyang kuwento ang bawat taong ini-interview niya kaya ginagawa niya ‘yon.
Naku, huwag na tayong mabuhay sa kahapon! Kanya-kanyang diskarte lang ‘yan.
At least, naging talk of the town si Toni sa interview niya kay Bongbong, huh!
Gabbi, pinalitan sina Kakai at Winwyn sa EB
Naputol na ang hosting stint ni Kakai Bautista sa Eat Bulaga. Ganoon din si Winwyn Marquez. Ang pumalit sa kanila ay si Gabbi Garcia. Swak na swak naman si Gabbi dahil marunong na siyang mag-host eh kumakanta pa.
Sa totoo lang, ang magbigay tulong sa masuwerteng manonood ang pangunahing layunin ng Bulaga ngayong pandemic.
Pinalitan ng segment nilang Cash Landing On You ang barangay segment nitong Juan For All, All For Juan.
Pero kahit naging limitado ang hostings ni Kakai sa noontime show, dagdag kita na rin ito lalo na ngayong iilan na lang ang shows na nagla-live at taping, huh! Better than nothing!
- Latest