^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Imbestigahan din iba pang ex-BuCor chiefs

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Imbestigahan din iba pang ex-BuCor chiefs

LUMALALIM nang lumalalim ang pag-iimbestiga sa mga napalayang bilanggo na nakinabang sa Good Conduct Time Allowance (GCTA). May naaamoy na corruption at maski ang mga nag-iimbestigang senador ay nagpahiwatig na mayroong “GCTA for sale”. Ayon sa report, umabot na sa 1,700 ang mga napalayang bilanggo mula nang ipatupad ang GCTA. Ang isang nakaka-shock, ang mga napalaya ay may mga karumal-dumal na kaso – panggagahasa, pagpatay at illegal drugs. Sa ilalim ng GCTA, kukuwentahin ang nagawang kabutihan ng bilanggo at saka iko-convert sa kanyang sentensiya. Kung nagpakita ng magandang asal at halimbawa, malaking puntos na mabawasan nang malaki ang sentensiya ng bilanggo.

Sinibak ni President Duterte si Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon noong Miyerkules. Sinuway umano ni Faeldon ang kanyang utos na huwag palayain ang mga bilanggo. Bukod sa pagsuway, sinabi ng Presidente na nakakaamoy siya ng corruption sa pagpapalaya ng mga bilanggo. Ipinag-utos niya na sumuko ang mga pinalayang bilanggo sa lalong madaling panahon. Binigyan niya ng 15 araw para sumurender ang mga ito.

Nagalit ang marami sa napabalitang pagpapalaya kay dating Calauan mayor Antonio Sanchez at napigil ito makaraang ipag-utos ng Presidente. Pirmado na umano ni Faeldon ang pagpapalaya kay Sanchez na nakatakda noong Agosto 20. Inimbitahan naman ang pamilya ni Sanchez sa pagdinig pero tumanggi silang sabihin kung sino ang kausap sa BuCor na nagsabi na palalayain na ang dating mayor na pitong habambuhay na pagkabilanggo dahil sa panggagahasa at pagpatay sa isang UP student.

Malalim ang isyu sa pagpapalaya sa ilalim ng GCTA. Dapat halukayin ito. Imbestigahan ang mga dating BuCor chiefs na kinabibilangan nina Sen. Bato dela Rosa, Franklin Bucayo at Benjamin Reyes. Maaring may mahukay sa kanila para matuklasan ang mga kababalaghan sa BuCor.

vuukle comment

GOOD CONDUCT TIME ALLOWANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with