^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Isusunod na ang mga‘buwaya’ sa BIR

Associated Press
EDITORYAL - Isusunod na ang mga�buwaya� sa BIR

TINATAPOS na umano ni President Duterte ang paglilinis sa Bureau of Customs (BOC) kung saan 64 na corrupt personnel ang sinibak niya kamakailan. Mayroon pa raw isusunod na sisibakin. Pagkatapos ng Customs, ang Bureau of Internal Revenue (BIR) naman ang sunod niyang lilinisin sa mga kawatan. Katulad ng Customs, grabe rin ang corruption sa BIR na inilarawan ng Presidente na nasa “high level”.

Sinabi ng Presidente na maraming kompanya ang nakikipagkutsaba sa mga corrupt na BIR exa­miner para hindi magbayad nang tamang buwis kaya matatawag na high level ang corruption sa nasabing ahensiya. At dahil sa ganitong kalakaran, ang taumbayan ang labis na apektado. Walang ibang kawawa kundi ang mga Pilipino mismo. At sabi ng Presidente, namo-monitor niya ang mga nangyayari sa BIR.

Ipinaliwanag ng Presidente kung paano ang gina­gawa ng mga corrupt na BIR examiner para maka­pagnakaw. Ia-assess umano ng examiner ang net income ng kompanya o korporasyon at sa dakong huli sasabihin kung magkano ang babayaran. Magko-compute ang examiner at saka magkakaroon ng tawaran. Sasabihin ng examiner sa kompanya, “ia-assess ko sa P5-million ang tax n’yo. Ibigay mo sa akin ang P2-million at bayaran mo na lang ay P3-million.”

Sabi ng Presidente, bago siya bumaba sa puwesto, lilinisin niya sa corruption ang mga tanggapan. Hindi raw niya iiwan  ang bansa na namamayani ang mga magnanakaw.

Talamak ang katiwalian sa BIR. Kung maraming magnanakaw sa Customs, PCSO, PhilHealth, mas marami sa BIR. Kamakailan lang, dalawang reve­nue officers ang nahuli sa entrapment operation sa Pasig. Kaya tama lamang na isunod ng Presidente ang ahensiyang ito para ganap na malipol ang mga tiwali. Huwag hayaang dumami ang mga buwaya sa BIR. Kaya naghihirap ang bansa ay dahil sa mga korap na walang tigil sa pagsasamantala sa pera ng bayan. Umpisahan na ang paglipol sa mga matatakaw na buwaya sa BIR.

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with