^

PSN Opinyon

EDITORYAL - LTFRB, mabilis sa bus mabagal sa jeepney

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - LTFRB, mabilis sa bus mabagal sa jeepney

MABILIS umaksiyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga bus na nasasangkot sa aksidente pero sa mga nag-i-strike na grupo ng jeepney ay hindi. Lahat nang unit ng Dimple Star Bus ay hindi na pinabiyahe dahil sa malagim na aksidente na kinasangkutan ng isang bus nito na ikinamatay ng 19 katao.

Kung ganito kabilis sa bus, sana ganito rin sa mga jeepney na nag-i-strike na dapat tanggalan agad ng prankisa. Sabi noon ng LTFRB, tatanggalan ng prankisa ang mga sasama sa strike pero hanggang ngayon, wala pang nasasampolan. Kaya ang panakot ng transport groups, mag-e-strike sila.

Isa ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa madalas mag­daos ng strike. Mula pa noong Pebrero 2017 ay nakakailang strike na sila. At sa kabila nito, ni isa sa kanila wala pang natatanggalan ng prankisa. Noong, muling nagsagawa ng strike ang PISTON at mara­ming lugar sa Metro Manila at karatig probinsiya ang naparalisa. Kinansela ang pasok sa maraming eskuwelahan. Maraming na-stranded na pasahero. Mas marami ang nahirapang makasakay nang mag-uwian sa hapon ang mga empleado sapagkat iilang jeepney na lamang ang pumapasada at ang iba ay hina-harrassed at tinatakot para hindi na pumasada.

Sabi ng lider ng PISTON na si George San Mateo, ang planong phase-out ng mga jeepney ang dahilan ng kanilang pag-i-strike. Kapag inalis ang mga jeepney sa kalsada, marami ang mawawalan ng hanapbuhay. Hindi raw phase out ang solusyon kundi rehabilitasyon. Pinapatay umano ng pamahalaang Duterte ang mga maliliit na drayber ng dyipni na tanging sa pagmamaneho kumukuha ng ibinibili ng pagkain. Nasaan naman daw ang konsensiya. Ang mga maliliit lang daw ang kaya ni Duterte pero ang mga malalaking tao gaya ng drug lords ay na­aabsuwelto. Maski raw si Napoles na “reyna ng PDAF scam” ay magiging witness pa.

Pero sabi ng gobyerno, tutulungan ang jeepney drivers at operators para makabili nang hulugang modernong jeepney. Magaan daw ang paghuhulog. Ang mga modernong jeepney ay hindi mausok.

Ang pagkilos ng LTFRB laban sa PISTON at iba pang jeepney group ay dapat isagawa. Kamay na bakal ang gamitin. Hinahamon ng PISTON ang pamahalaan kaya dapat na silang bigyan nang leksiyon. Tanggalan sila ng prankisa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with