^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Proteksiyon sa OFWs

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Proteksiyon sa OFWs

KARUMAL-DUMAL ang pagkamatay ng domestic helper na si Joanna Demafelis sa Kuwait noong 2017. Tinortyur siya ng among Lebanese at Sy­rian hanggang sa mamatay. Pagkaraan ay inilagay siya sa freezer. Tumakas ang mga amo. Inabandona ang apartment. Nadiskubre lamang ang bangkay ni Joanna noong Pebrero nang magsilbi ng warrant of arrest para sa ibang kaso ng amo ang Kuwaiti police. Nakita ang bangkay na mahigit isang taon nang nasa freezer.

Ang karumal-dumal na pagpatay kay Joanna ang naging ugat para ipatigil ni Pres. Rodrigo Duterte ang pagpapadala ng workers sa Kuwait. Sabi niya, nawawalan ng dignidad ang mga Pilipino. Bakit ka­ilangang gawin ito sa mga Pilipino? Bago ang pagkadiskubre sa bangkay ni Joanna, ilang kaso na rin ng pagkamatay ng domestic helpers ang nakaabot sa kaalaman ni Duterte. Sabi pa niya, ano raw kultura mayroon ang mga Kuwaiti at nagagawa ang pagmamalupit sa mga Pinay DHs. Aniya dapat nang matigil ang pang-aabuso.

Maraming Pinay ang minamaltrato sa Kuwait. Mayroong ginagahasa ng amo o anak nito. Dahil sa panggagahasa, maraming Pinay ang nawawala sa sarili. May mga manyakis na Kuwaiting pulis na dinadala sa disyerto ang DH at ginagahasa. May DH na hindi pinakakain sa kabila na tambak ang trabaho. At may mga DH na hindi pinasusuweldo. Mara­ming DH na sa kagustuhang makaalis sa amo, tumatalon sa bintana at nagtutungo sa embahada. Pero masaklap din ang dinaranas nila sa mga tauhan ng Philippine Embassy, Labor at OWWA officials doon. Maski si Joanna ay hindi naasikaso ng OWWA official nang ireport ng kapatid ang pagkawala nito.

Hindi pa inaalis ni Duterte ang deployment ban sa Kuwait. Gusto niyang matiyak na masusunod ang kanyang kondisyon para sa OFWs gaya ng: Huwag kunin ng employer ang passport ng OFWs, magkaroon ng sapat na tulog ang mga ito, huwag pakakainin ng mga tira-tirahan at pagkakaroon ng mga ito ng day-off.

Matigas ang paninindigan niya para maprotek­siyunan ang mga OFW. Kapag sumunod ang Kuwait, tiyak ganito rin ang mangyayari sa mga OFW sa Saudi Arabia, Qatar at UAE. Sana nga, para maging maligaya ang mga OFW.

vuukle comment

OFWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with