Bonus sinakmal ng Chameleons

Hinatawan ni Zam Nolasco ng ZUS Coffee si Fifi Sharma ng Akari.
PVL photo

MANILA, Philippines — Hinataw ng Nxled ang pang-pitong sunod na pa­­nalo matapos talunin ang Creamline, 25-20, 12-25, 25-21, 25-19, sa 20­26 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Con­ference Siklab Series kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Isang 11-0 atake sa li­kod ni Fil-Am Brooke Van Sickle ang inilunsad ng Cha­meleons sa fourth set para iligpit ang Cool Smashers.

Tumipa si playmaker Gel Cayuna ng 20 excellent sets para sa 7-0 record ng Nxled at kunin ang una sa dalawang ‘twice-to-beat’ bonus sa semifinals.

Nahulog ang Creamline sa ikatlong dikit na ka­malasan para sa kanilang 4-3 record.

Sa unang laro, tuluyan nang sinibak ng ZUS Coffee ang Akari sa pamama­gitan ng 25-22, 22-25, 25-18, 25-21 panalo.

Pumalo si AC Miner ng 16 points, habang may 12 at 11 mar­kers sina Zam No­lasco at Chinnie Arroyo, ayon sa pag­kakasunod.

Ang back-to-back wins ng Thunderbelles ang nag­paganda sa kanilang ba­raha sa 2-5 katabla ang tal­sik na ring Capital1 Solar Energy.

Mahalaga ang bawat panalo patungo sa All-Fi­lipino Conference Sigla Series.

Ang puwestuhan sa unang dalawang serye ang magdedetermina sa magi­ging posisyon ng isang ko­­ponan sa pinakahuling AFC Sinag Series.

Laglag ang Chargers sa 3-5 marka.

Show comments