^

Metro

Bernardo: Romualdez, walang hininging proyekto o kickback

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang hininging proyekto o nakipagkasundong kickback si dating House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga proyektong pang-imprastraktura na pinangasiwaan ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Roberto Bernardo, ayon sa testimonya ng huli sa Sandiganbayan nitong Huwebes, Oktubre 29.

Sa pagtatanong ng abogado ng depensa na si Atty. Thea Daep, sinabi ni Bernardo na wala siyang personal na transaksiyon o kasunduang pinansyal kay Romualdez kaugnay ng mga proyekto. Wala rin umanong binanggit sa anim na affidavit ni Bernardo na nag-uugnay sa dating Speaker sa negosasyon tungkol sa komisyon o kickback. Inamin din niyang wala siyang direktang kaalaman sa umano’y commitment fee scheme sa mga proyekto sa Leyte.

Ayon kay Bernardo, umiiral na ang mga iregularidad sa mga proyektong pang-imprastraktura noong 2002, nang siya ay district engineer sa Maynila. Aniya, karaniwang umaabot sa 10 hanggang 25 porsiyento ang komisyon at maaari pang tumaas sa 30 porsiyento, depende sa proyekto. Maaaring manggaling sa mga mambabatas, contractor, pribadong tagapamagitan at opisyal ng pamahalaan ang mga nagmumungkahi ng proyekto.

Ipinaliwanag niyang DPWH at Department of Budget and Management (DBM) ang may mahahalagang tungkulin sa pagpapatupad ng mga proyekto at pagpapalabas ng pondo, habang wala umanong papel ang tanggapan ng Speaker sa paglalabas ng Special Allotment Release Orders (SAROs) at proseso ng bidding.

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with