^

Police Metro

Ina, 2 anak todas sa road mishap

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang tatlong miyembro ng isang pamilya nang suwagin ang kanilang sinasakyang motorsiklo ng isang humahagibis na tractor sa kahabaan ng coastal road, Brgy. Puntod, Cagayan de Oro City nitong Linggo ng gabi.

Ang mga nasawi ay ang magkapatid na Marlon at Marjohn Baspin at ang kanilang 72-anyos na ina; pawang taga-Valencia City, Bukidnon.

Sa imbestigasyon, kasalukuyang magkakaangkas sa motorsiklo ang mag-iina  nang biglang kumabig at mawala sa linya ang kasalubong nilang  tractor sa bahagi ng coastal road, Brgy. Puntod ng lungsod na ito.

Pumailalim sa truck ang sinasakyang motorsiklo ng mga biktima na  binangga ang dalawang nakaparadang Sedan at isang motorsiklo sa tabi ng kalsada.

Pawang nagtamo nang malulubhang sugat sa kanilang mga katawan ang mga biktima na kanilang ikinasawi.

Ayon sa mga testigo matapos na madisgrasya ang mga biktima ay mabilis na nagsitakas ang driver at tatlo pa nito na nagtalunan sa nasabing tractor.

Nang inspeksiyunin ang nasabing tractor ng mga nagrespondeng mga operatiba ng pulisya ay nadiskubre ang dalawang basyo ng alak sa loob nito na may yelo rin sa isang lalagyan na hindi pa natutunaw malapit sa upuan ng driver na indikasyong nasa impluwensya ito ng alak at nag-iinuman ang mga ito.

Patuloy ang manhunt operations ng laban sa mga nagsitakas mga suspek.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with