^

PSN Palaro

Creamline, Choco Mucho ikinasa ang PVL finale

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Creamline, Choco Mucho ikinasa ang PVL finale
Dinala ni Jema Galanza ng Creamline ang bola sa kanan laban kina Aby Maraño at Alina Bicar ng Chery Tiggo.
PVL

MANILA, Philippines — Sa pang-pitong sunod na pagkakataon ay magla­laro ang Cool Smashers sa Premier Volleyball League All-Filipino ConferenceFinals.

Ito ay matapos walisin ng nagdedepensang Creamline ang Chery Tiggo, 25-16, 25-21, 25-20, sa huling araw ng single-round semifinals sa harap ng 17,834 fans kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Pumalo si Tots Carlos ng 16 points mula sa 11 attacks, tatlong blocks at dalawang service ace at may 10 markers si Alyssa Valdez para sa 2-1 record ng Cool Smashers sa semis.

“Siyempre, masaya kami at naka-finals kami ulit pero hindi pa tapos iyong trabaho,” ani coach Sherwin Meneses. “Ang target naman is ma-defend iyong crown, so magpe-prepare muna ulit kami kung sinuman ang makalaban namin sa finals.”

Swak ang Creamline sa PVL record na ika-11 sunod na finals appearance .

Nag-ambag si Pangs Panaga ng pitong puntos at may tig-anim at limang marka sina Jema Galanza, Kyle Negrito at Risa Sato, ayon sa pagkakasunod.

“Bawal mag-relax, kailangan focus talaga kami 100 percent kasi talagang for sure iyong makakalaban namin gustung-gusto ka­ming matalo ang gusto nilang makuha iyong championship,” dagdag ni Galanza.

Umiskor sina Eya Laure at Aby Maraño ng tig-walong puntos para sa Chery na laglag sa bronze medal match mula sa kanilang 0-3 marka sa semis.

Samantala, tinalo ng Choco Mucho ang Petro Gazz, 23-25, 26-24, 25-19, 25-20 sa huling laro.

Winalis ng Flying Titans ang semifinals para muling labanan ang Cool Smashers sa best-of-three championship series.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with