^

PSN Palaro

No. 76

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagulat ang San Miguel Beer management nung pinapili ng jersey number ang rookie na si Kyt Jimenez.

No. 76 kasi ang gusto ng batang player at social media star.

“Ang taas naman?” ang tanong ni team manager Robert Non sa dating player ng Gen San sa MPBL.

Ang reason, sabi ni Kyt, ay dahil 76th pick siya sa last PBA Draft.

Gusto daw niya maalala ang kanyang simula sa PBA na pang-76 siyang napili. Akala nga niya, dehins na siya makukuha.

Kaya laking gulat at pasalamat ni Kyt na sa SMB pa siya napunta.

Attraction si Kyt sa PBA dahil sa dami ng kanyang followers sa YouTube or TikTok. Kahit hindi top pick, dinudumog ng fans.

May hawig siya kay Terrence Romeo. Pati ang pony-tail na hokbu at kilos sa loob ng court. Magkaibigan daw sila.

Ang hindi ko lang alam eh kung ‘yun ang dahilan kung bakit short hair na si Terrence ngayon.

Last Wednesday, first game ni Kyt sa SMB. NLEX ang kalaban. Lumamang ang SMB ng 19 points kaya akala ni Kyt, ipapasok na siya.

Pero bumalik ang NLEX at nanalo sa overtime.

No problem kay Kyt na hindi siya nagamit sa game. Sabi niya, nag-observe at nag-absorb muna siya sa bench.

Tama ang attitude ni Kyt.

Marami pang araw.

vuukle comment

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with