^

PSN Palaro

Good news

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon
Good news
Justin Brownlee

Positive si Justin Brownlee sa banned substance na cannabis or marijuana sa isang testing na ginawa matapos ang finals ng Gilas Pilipinas at Jordan sa Asian Games.

Pero eto ang positive news: Hindi performance-enhancing drug ang cannabis. Hindi ito steroids na lalaki ang muscle mo gaya ni Popeye at kaya mo bumuhat ng kotse.

At dahil prescribed ng doctor sa America ang pag-gamit ni Brownlee nito matapos siya operahan sa paa last August, baka bumaba ang suspension niya to one month.

Sa NBA, wala na ang cannabis sa banned substance.

At eto pa, kung Oct. 7 siya na-test at one-month lang ang suspension, baka pwede pa makalaro si Brownlee sa PBA Commissioner’s Cup na magsisimula sa Nov. 5.

Nung una, ang umugong ay baka umabot ng two years ang suspension ni Brownlee. At sa edad niya na 35, parang forced retirement ang two-year suspension.

‘Yan ang dahilan bakit hindi na binuksan ng Gilas ang Sample B ni Brownlee. Sabi ni team manager Alfrancis Chua, para saan pa eh parehong tao at parehong urine sample lang ang A and B.

Isa pa, baka makasama pa sa sitwasyon na parang kinukwestyon pa natin ang doping system ng Asian Games or Olympic Council of Asia.

Kaya kung prescribed naman talaga kay Brownlee at ginamit niya ito bilang pain reliever or pangontra sa stress or anxiety, tanggapin na lang ang resulta.

Kumbaga sa kaso, if you plead guilty, baka mas mababa ang sintensya.

At may pag-asa ka ma-parol.

PAHABOL: Maraming salamat sa lahat ng mga tumulong, nagdasal at nakidalamhati sa aming pamil­ya sa pagpanaw ng kapatid ko na si Maria Alda S. Cordero noong Oct. 12. From the bottom of our hearts, salamat. Rest in peace, Marida.

vuukle comment

JUSTIN BROWNLEE

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with