White import kinuha ng Rain or Shine

Yeng Guiao

Para sa Jones Cup

MANILA, Philippines — Isang puting import ang magiging sandata ng Rain or Shine sa kanilang kampanya sa darating na 42nd Williams Jones Cup.

Ipaparada ng Elasto Painters si 6-foot-10 Nick Evans na naglaro sa mga liga sa Japan, Taiwan, Colombia, Thailand at Leba­non para sa torneong nakatakda sa Agosto 12 hanggang 20 sa Taipei.

Makakatuwang ni Evans sa pagsabak ng Rain or Shine si 6’10 Gilas Pilipinas naturalized player Ange Kouame.

“Hopefully, itong import na ito kung maayos ang lalaruin baka siya na din ang gamitin namin for the next (PBA) Conference in October,” sabi ni coach Yeng Guiao kay Evans kahapon sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa PSC conference room.

“Pero of course, subject to his performance siguro dito sa Jones Cup and hindi din namin alam kung papasa siya sa height limit kasi listed ito na 610, and 6’9 lang iyong (height) limit sa next conference,” dagdag nito.

Nakatakdang duma­ting sa bansa si Evans sa Sabado para sumama sa ensayo ng Elasto Painters.

Ang Mighty Sports ang naghari sa torneo na huling idinaos noong 2019 bago natigil dahil sa COVID-19 pandemic.

Bukod sa Rain or Shine, lalahok din sa Jones Cup ang mga national teams ng Iran, Qatar, United Arab Emirates at Taipeh (Teams A and B) bukod sa Japan U-20 team, ang US team na University of California-Irvine at ang reigning KBL (Korean Basketball League) at EASL (East Asia Super League) champion Anyang KGC.

“We need his size, we need his experience, nag­laro na rin sa Jones Cup kasi si Ange at sanay din siya sa international competitions,” sabi ni Guiao sa dating sentro ng Ateneo Blue Eagles sa UAAP.

Show comments