^

PSN Palaro

Magnolia kinumpleto ang 11-0 sweep sa PBA On Tour

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang pagkumpleto sa 11-game sweep sa PBA On Tour ay magandang senyales para sa magiging kampanya ng Magnolia sa darating na 2023 PBA Commissioner’s Cup sa Oktubre.

Naasahan kasi ni coach Chito Victolero ang kanyang mga reserve players kagaya nina Fil-Australian center James Laput at Fil-Nigerian forward Joseph Eriobu.

Sa 106-92 panalo ng Hotshots kontra sa Terrafirma Dyip noong Miyerkules ay nagtala ang 6-foot-10 na si Laput ng 16 points at 11 rebounds habang humu­got ang 6’4 na si Eriobu ng siyam sa kanyang 15 markers sa fourth quarter.

“The real battle will be in October. So we will try to prepare hard again for the regular season,” paalala ni Victolero sa Magnolia.

Ang preseason tournament ay inilatag ng PBA bilang pagbibigay-daan sa preparasyon ng Gilas Pilipinas sa 2023 FIBA World Cup na nakatakda sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.

Umasa si Eriobu na mabibigyan ulit siya ng playing time sa parating na import-flavored conference.

“Sobrang halaga ng i­bini­bigay ni coach Chito (Victolero) na opportunity,” sabi ng 31-anyos na si E­riobu na player ng Purefoods TJ Titans sa PBA 3x3. “Kasi under observation ako ngayon, so ang iniisip ko lang kapag ipinasok ako, kailangan may magawa ako sa court, iyong mga intangibles.”

Inaasahan ni Victolero na magagamit ng Hotshots ang eksperyensa sa PBA On Tour sa pagsalang sa PBA Commissioner’s Cup.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with