^

PSN Palaro

Ginebra lalapit sa Top 2

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Ginebra lalapit sa Top 2
Richard del Rosario.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Magsisilbing leksyon para sa Barangay Ginebra ang nalasap na 92-106 kabiguan sa nagdedepensang TNT Tropang Giga noong Linggo.

Sa kabila nito ay malaki pa rin ang tsansa ng Gin Kings na madakma ang isa sa dalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals ng 2022 PBA Philippine Cup.

“At least we’ll have a good chance at Top 2. So we’ll move on,” wika ni Ginebra interim coach Richard Del Rosario. “We’ll correct the things that we need to correct, and then look forward.”

Sasagupain ng Gin Kings ang Meralco Bolts ngayong alas-6 ng gabi matapos ang laban ng Blackwater Bossing at Rain or Shine Elasto Painters sa alas-3 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kalaban ng Ginebra (6-2) sa Top Two spot ang San Miguel (8-1), TNT Tropang Giga (8-3), Blackwater (5-2) at Magnolia (5-3).

Determinado naman ang Meralco (4-3) na ma­duplika ang kanilang 77-73 panalo sa Rain or Shine (2-6) para sa tsansa sa quarterfinals.

Parehong maglalaro ang Gin Kings at Bolts na wala ang kanilang mga head coach na sina Tim Cone at Norman Black.

Kasalukuyang miyembro si Cone ng coaching staff ng Miami Heat sa NBA Summer League habang nasa US din si Black dahil sa kanyang may sakit na ina.

vuukle comment

TNT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with