^

PSN Palaro

Hello, Korea!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Matapos humakot ng Pinoy basketball players ang Japanese B.League, eto naman ang Korean Basketball League.

Nag-announce kasi ang KBL kamakailan na bukas na rin ang pintuan nila para sa mga Pinoy players bilang imports.

Ganyan ang ginawa ng Japanese B.League.

At dahil nga sa nakakaakit na offers, walang nakapigil kina Thirdy at Kiefer Ravena, Bobby Ray Parks, Dwight Ramos at mga ilan pang players.

Umugong ang balita na milyones ang offer kay Japeth Aguilar at fellow PBA stars gaya nina Matthew Wright at Terence Romeo.

Easily times four o times five ng monthly salary nila sa PBA.

Pero dehins sila kumagat.

Ngayon, sa Korea naman manggagaling ang mga offers dahil mukhang kursunada rin ng KBL teams ang angas ng Pinoy.

Nagsalita na si PBA commissioner Willie Marcial.

Anya, walang masama kung tumanggap ng offers ang Pinoy players dahil opportunity nga naman ito.

Pero ‘wag lang sa point na may lalabangin silang kasulatan sa PBA o sa mother ballclubs nila.

Unang-una, hindi ka pwedeng mag-entertain ng offers kung may live contract ka. Breach of contract ang tawag diyan.

Sa October ang simula ng KBL season. Mahabang 54-game schedule para sa lahat ng 10 teams. Matatapos sa April or May.

Kaya kung makatanggap ako ng offer, kakausapin ko muna ang mga pumunta sa Japan at ang mga hindi kumagat sa offer.

Huwag padalos-dalos.

Baka naman “It’s more fun in the Philippines.”

vuukle comment

BASKETBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with