George bumida sa Clippers vs Jazz
LOS ANGELES - Nagpasabog si Paul George ng 34 points sa kanyang pagbabalik matapos ang tatlong buwan dahil sa elbow injury para akayin ang Clippers sa 121-115 pagresbak sa Utah Jazz.
Si George ang bumandera sa pagbangon ng Clippers (37-39) mula sa 25-point deficit para biguin ang Jazz (45-31).
Nag-ambag si Reggie Jackson ng 21 points fpara tulungan ang Clippers na wakasan ang kanilang five-game losing skid.
Humataw ang Los Angeles ng 39 points sa kabuuan ng fourth quarter matapos iwanan ng Utah sa 16-point deficit sa nasabing yugto.
Kumamada si Donovan Mitchell ng 33 points sa pang-limang dikit na kamalasan ng Jazz.
Sa Philadelphia, umiskor si Giannis Antetokounmpo ng 40 points para akayin ang nagdedepensang Milwaukee Bucks (47-28) sa 118-116 pag-eskapo sa 76ers (46-29).
Sinupalpal ni Antetokounmpo ang tangkang putback ni Joel Embiid sa huling posesyon ng Philadelphia sa natitrang 1.6 segundo ng laro.
Sa New York, humataw si Kevin Durant ng 41 points sa 130-123 pagdaig ng Brooklyn Nets (40-36) sa Pistons (20-56).
Sa Dallas, humakot si guard Luka Doncic ng triple-double na 34 points, 12 rebounds at 12 assists sa 128-110 pagsapaw ng Mavericks (47-29) sa Los Angeles Lakers (31-44).
- Latest